DUMATING na ang isang barkong sako ng bigas na inangkat sa Thailand na tiyempo sa unti-unting pagkaubos ng suplay ng commercial rice sa local market, ayon sa isang opisyal kamakailan.
Inihayag ni Ruben Manatad, National Food Authority (NFA) assistant regional director, na ang cargo ship, VTC Dragon, na may kargang 360,000 sako ng bigas na may 50 kilos bawat isa, ay dumaong sa lokal na piyer noong Biyernes.
Sa total na shipment, sinabi ni Manatad na ang NFA-Zamboanga warehouse ay may nakatalagang tatanggaping 120,000 sako ng bigas.
Sinabi ni Manatad na ang natitirang 240,000 sako ng bigas ay ididiskarga sa Cagayan de Oro City at General Santos City.
Nasa 40,000 sa total na 120,000 sako ng bigas na may shipment sa NFA-Zamboanga warehouse ay ipamamahagi sa local market, anang NFA official.
Sinabi niya na 50,000 sako ng bigas ay nakatalaga na sa mga probinsiya ng Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur, habang ang natitirang 30,000 sako ay dadalhin sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, na bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sinabi ni Manatad na ang shipment ay dapat dumating noon pang Hunyo nitong taon pero naantala dahil sa ‘di inaasahang pagkakataon na nakaharap ng rice supplier sa Thailand.
“The shipment (of rice) is not enough to sustain the local demand,” sabi ni Manatad, dagdag pa na ang siyudad ay naubusan na ng commercial rice stocks.
“I was informed that this was the first time commercial rice has run out of stocks in this city,” aniya.
Dagdag pa niya, na ang sitwasyon ang nagbunsod sa kanila na i-release sa NFA-accredited retailers ng huling imbentaryo ng 987 na sako ng bigas na nasa kanilang warehouse. Ang kilo ay ibinebenta ng PHP32.
Ang bawat isang 62 accredited retailers sa local public markets ay may alokasyon na 10 sako ng bigas bawat linggo, habang ang accredited-retailers sa mga barangays ay tatanggap ng alokasyon na limang sako.
Samantala, sinabi pa ni Manatad na may panibagong shipment na 40,000 sako ng bigas na nakatalaga sa siyudad ang inaasahang dadating sa susunod na tatlong linggo mula sa Thailand.
“The role of the NFA is just to support in supplying the demand of the local market, not to be the main supplier,” dagdag pa niya. PNA
Comments are closed.