IWAS-PUSOY ang Thailand na masangkot sa usapin sa sigalot na bumabalot sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa agawan ng teritoryo, sa gitna ng isang panawagan ng isang grupo na dapat ay gumawa na ng hakbang ang Philippine officials na makipagkaisa sa mga karatig bansa sa rehiyon ng South East Asia.
Tumangging magkomento si Thailand Ambassador to the Philippines Tull Traisorat sa isang panayam kamakailan sa Makati nang tanungin ng Pilipino Mirror ang paninindigan ng kanilang bansa hinggil sa naturang isyu.
“No comment on that. I do not want to comment on that political issue,” sabi ni Traisorat.
Ito ay matapos manawagan sa isang panayam si Sharon Cabusao-Silva, writer at local at international activist at women’s rights advocate, Executive Director ng Lila Pilipinas, na sa halip umanong kumiling ang Pilipinas sa mga dating colonizer nito na United States at Japan at magmistulang tuta nito, ay dapat sa mga kapitbahay na bansa sa South East Asia makipagpulong at makipagkaisa laban sa pang-aangkin sa 90 porisyento ng isla.
“Imbes na sa Amerika tayo humingi ng tulong, bakit hindi tayo makipag-usap sa mga katabing bansa para magkaroon ng isang boses at paninindigan laban sa ginagawa ng China,”ang sabi ni Cabusao-Silva.
Kaugnay nito, nagkaroon naman ng kasunduan ng Enero 12, 2024 ang mga pamahalaan ng Indonesia at Vietnam sa pamamagitan ni Indonesian President Joko “Jokowi” Widodo at Vietnamese President Vo Van Thuong nito na isulong ang isang “substantive” at “effective” na Code of Conduct sa South China Sea o tinaguriang WPS upang mapanatili ang kapayapaan dito.
Ito ay matapos bumisita si Widodo sa Vietnam at Pilipinas nitong Enero na kapwa “claimant “countries nila o may mga hinahabol din na mga overlapping na teritoryo sa naturang karagatan.
“During their meeting, Jokowi and Vietnamese President Vo Van Thuong discussed the strategic partnership between the two countries.They reaffirmed the importance of peace, stability, safety, security, and freedom of navigation and overflight in the East Sea(South China Sea sa Vietnamese na pangalan),” ayon sa government-run Voice of Vietnam (VOV).
“They pledged to fully and effectively implement the Declaration on the Conduct of Parties in the East Sea (DOC), and push ahead with negotiations to reach a substantive, effective Code of Conduct in the East Sea (COC) in line with international law. China and ASEAN agreed on a declaration of conduct in 2002, but progress on passing a binding code of conduct has been slow going amid an increasing risk of conflict.Before arriving in Hanoi, Jokowi discussed the South China Sea with host Philippine President Ferdinand Marcos Jr. and “affirmed our insistence on the universality of UNCLOS, which sets out the legal framework that governs all activities in the oceans and in the seas,” in an official statement,”ayon sa Benar News ng Indonesia.
“ASEAN coordinated patrols in the South China Sea, said the bloc needs “novel initiatives” when dealing with China’s excessive claims,”panukala ng political analyst na si Ristian Atriandi Supriyanto ng Universitas Indonesia ayon sa naturang pahayagan.
“The fact is that countries have tried for decades negotiating with China in vain. China does not back down from its nine-dash line, which others including Vietnam and Indonesia, do not recognize.Coordinated patrols can be one of those initiatives, which can start with two ASEAN countries, like Indonesia and Vietnam, before expanding it to others,” ayon kay Supriyanti.
Sa isang joint press statement sa Malacañang matapos bumisita si Widodo sa Pilipinas, napagkasunduan umano nito at ni Philippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang bilateral meeting na paninindigan at igagalang ng mga ito ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.
Ang Pilipinas, China, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan ay may mga hinahabol na teritoryo sa “contested waters” ng WPS. Hindi claimant dito ang Thailand, subalit nanawagan ito sa China ng taong 2017 at mga karibal nitong bansa na humanap ng mapayapang solusyon upang maibsan ang tensyon sa rehiyon dahil dito. Subalit mistulang nag iba ang ihip ng hangin ng ayaw ng mistulang umiiwas na ang Thailand sa naturang isyu ng WPS ng uminit ang iringan sa pagitan ng China at Philippines dahil dito kamakailan.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia