THE BEAUTY QUEEN WITH A PURPOSE… ON MENTAL HEALTH!

Kylie Verzosa

MARAMI ang nagtaas ng kilay sa adbokasiyang isinulong ni Binibining Pilipinas at Ms. International 2016 Kylie Verzosa nang sumali siya sa mga naturang beauty pageant dahil para sa ilan, “taboo” o bihirang pag-ukulan ng pansin ang ganitong kalagayan na dinaranas ng mga mayroong tinatawag na mental health disorder.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nagkaroon ng “clinical depression” si Kylie bago pa man ito sumabak sa Binibining Pilipinas apat na taon ang nakalilipas.

“I was diagnosed with clinical depression 4 years ago, bago pa ako sumali sa Binibining Pilipinas kaya’t naisipan naming gumawa ng support group (Mental Health Matters) sa mga dumaranas ng mental disorder dahil marami pa rin sa atin ang hindi naiintindihan ang mayroong mental health issue,” pahayag ni Kylie sa PILIPINO Mirror.

Sa ngayon, masasabing na-“overcome” na ni Kylie ang kaniyang pinagdaanang depression kaya pinagtutuunan niya ng pansin ang pagsusulong ng adbokasiyang ito lalo’t marami ang nasa ganitong sitwasyon ang patuloy na nananahimik dahil “natatakot” na hindi maintindihan.

Ayon sa pag-aaral, mayroong nasa dalawandaan o mahigit pang uri ng mental health illness kabilang dito ang mga pamilyar sa atin tulad ng depression, bipolar disorder, dementia, anxiety etcetera na siya namang nais tugunan ng kanilang grupong Mental Health Matters By Kylie Verzosa, isang support group na Facebook Page na pinangunguhan ni Kylie. Mayroon na itong mahigit na 10,000 “Likes / followers” sa naturang social media na nagbibigay ng inspirasyon sa mga katulad nilang may ganitong pi­nagdaraanan.

Nakapagbibigay na rin sila ng inspirational talks tungkol sa naturang karamdaman at kung ano pang maitutulong ng kanilang grupo kagaya ng pagbibigay ng tuloy-tuloy na holistic approach, counselling, at pang-­unawa sa taong mayroong mental illness.

Kylie VerzosaSa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo, nagsagawa sila ng Mental Health Fair, para magakaroon ng libreng psychiatric consultations, exhibits, performances, at maraming pang iba. Pangunahing tagapagsalita si Sen. Risa Hontiveros, nagsulong ng Mental Health Law (Republic Act 11036) na inaprubahan ni President Rodrigo Duterte nitong taon lamang na layong makapagbigay ng affordable at accessible na mental health services sa mga Filipino na ginanap sa Crown Spaces sa Dela Costa St., Makati City.

“Inaatasan natin dito ang mga mental health services, psychiatrists, doctors, nurses, midwives, barangay health workers to build their capacities to at least reach out to the potential service users up to barangay level para malaman ang kanilang kalagayan o problemang pinagdaraanan at sila na rin ang magre-refer (through referral system) para tugunan ang kanilang pangangailan,” pahayag ni Sen. Hontiveros.

Ayon naman kay Nadine Tengco, isang celebrity nutritionist, panauhing tagapagsalita din sa naturang event, isa din ang pagkain sa nakapagdudulot sa atin ng stress lalo na kung hindi natin ito nababantayan. Marapat din umanong maging maingat tayo sa ating mga kinakain.

Nagkaroon ng one-on-one counselling sa event ang ilan nilang miyembro sa kanilang inimbitahang psychiatrists para ma-assess ang pangangailangan ng mga ito.

Ayon sa mga eks­perto, huwag tayong mahiyang sumangguni sa doktor. Makatutulong din kung sasabihin natin ang mga problema sa ating kamag-anak, o mapagkakatiwalaang kaibigan dahil habang sinasarili natin ang ating nararamdaman, lalo lamang itong lumalalim.

Hindi rin naman dapat agad hinuhusgahan ang kanilang kalagayan, mas higit na pang-unawa ang kailangan nating ibigay sa dumaranas ng mental health disorder.

May mga bagay na sadyang hindi natin maiintindihan hangga’t hindi tayo ang nasa katayuan nila.

Marami sa atin ang ipinagkikibit-balikat lamang ito at kung minsan pa nga, nahuhusgahan pang “kathang-isip” o gawa-gawa lang.

Sa isang pahayag ni National Basketball Association superstar Demar DeRozan sa Bleacher Report, sinabi nitong: “People say, “What are depressed about? You can buy anything you want.” I wish everyone in the world was rich so they would realize mo­ney isn’t everything.”

Comments are closed.