ITINAKDA ng local government unit ng Mati City, Davao Oriental ang city-wide earthquake drill sa Hulyo 26 upang kontrahin ang biglang pagtamang “The Big One” o magnitude 8.3 na lindol.
Ang nasabing programa sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pangunguna ng Mati City Mayor Michelle Nakpil Rabat.
Naniniwala ang alkalde na mahalaga na magkaroon ng kahandaan sa mga taga-Mati City sa kahit anong kalamidad lalo na ang lindol.
Taong 1924 nang huling tumama ang Mati City ng magnitude 8.3 na lindol nang gumalaw ang Mati Fault ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Napag-alaman sa Mati City Disaster Risk Reduction and Management Office head Charlemagne Bagasol na sisimulan ang aktibidad alas-8:30 ng umaga Ssa Biyernes sa pamamagitan ng pagpapatunog ng siren.
Senaryo sa nasabing drill na tumama ang magnitude 8.3 na lindol na nagresulta ng tsunami na tumama sa Barangay Central at may taas na 8.96 metro.
Inaasahang makiisa sa earthquake at tsunami drill ang mga opesina ng pamahalaan, mga paaralan, non-government agencies, mga pribadong sector at mga residente.
Sa pamamagitan ng nasabing drill mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan ng Mati kung ano ang dapat gawin kung sakaling tumama ang “The Big One” sa Mati City. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.