THE BLULANE HOTEL

blulane

Ang Binondo ay kilala bilang isa sa mga lugar sa mundo kung saan nagkaroon ng komunidad ang mga Tsino sa labas ng kanilang bansa. Mula sa taong 1594 hanggang sa kasalukuyan, ang pamayanang ito ay naging saksi sa mga mahahalagang pangyayari sa mga Pilipinong Intsik na naninirahan sa komunidad. Ang lumang kultura ng Binondo ay nanatili hanggang sa kasalukuyan mula sa mga kainan sa tabi ng mga estero, tindahan ng sari-saring aksesoryang pambahay at pampasuwerte hanggang sa mga tradisyonal na gamot.

Mula konsepto at ins­pirasyon ng tradisyunal at makabagong Binondo ang “The Blulaneblulane Hotel” ay itinayo at binuksan upang ipakilala ang kultura, serbisyo at pag-aalaga ng mga Filipino-Chinese. Binubuo ng 172 na kuwarto na may iba’t ibang puwedeng pagpi­lian—Superior, Deluxe, Premier, Executive at VIP Suite. Ang hotel na ito ay matatagpuan sa gitna ng atraksyong pang-turista sa Maynila kung saan nagpapakita ng malawak at pinagmamalaking kultura ng mga Filipino-Chinese sa Kamaynilaan.

Ang Blulane Hotel ay nagsisilbing panga­lawang tahanan para sa mga turistang piniling manuluyan upang makaranas ng kakaibang serbisyo na nagmumula sa puso at iba’t ibang klaseng putaheng maipagmamalaki.

Isa sa mga hangarin ng Blulane Hotel ang maging isa sa mga nangungunang Hotel sa Metro Manila. Ang maituring na pangalawang tahanan ng mga turista at bakasyunista at ma­ging isang destinasyon kung saan magagandang alaala ang iiwan at maililikha. Isa sa mga adhikain ay maipadama sa bawat bisita ang taos-pusong paglilingkod at maipamalas ang mga maipagmamalaking pagkaing tunay na babalik-balikan.

blulaneDalawang kainan ang matatagpuan sa loob ng hotel na may masasarap na putahe. Sa Blu Dynasty, mga authentic Cantonese na pagkain ang matitikman. Mula sa disenyo, pagkain at uri ng service na inaalok ng restaurant, mararamdaman ng mga bisita na tila sila ay nasa bansang Tsina. Dahil sa iba’t ibang uri ng nasyonalidad ang tumatangkilik sa Hotel, ang Blu Café ay itinayo para maghain ng mga western cuisine kung saan maraming pagkain ang pagpipilian. Kung ikaw ay mahilig sa kape at pampalamig, ang Coffee Club ay handang magsilbi sa inyo mula sa mga signature na inu­ming masasarap kasama ang mga cake at pastries kung saan sa Blulane lamang matatagpuan. Ang lugar na ito ay naging lugar na rin ng mga ne­gosyante upang maging destinasyon ng pagpupulong at makapag-relax.

Ang Blulane Hotel ay nakatuon sa pagbibigay ng serbisyong maipagmamalaki na tatatak sa puso at isip ng bawat panauhin na nagnanais manuluyan. Bukod sa masasarap na pagkain na matitikman, binabalik-balikan din ng mga nagsisitungo roon ang personalized na serbisyo na binibigay ng Blulane. Tinitiyak nito sa mga bibisita na laging kaaya-aya at hindi malilimutan ang kanilang pagbisita at maituring itong kanilang pa­ngalawang tahanan.

Ang lahat ay inaanyayahan na bisitahin ang The Blulane Hotel at maranasan ang serbisyong mula sa puso, tikman ang mga pagkaing kanilang ipinagmamalaki. Ito ay matatagpuan sa 609 Tomas Mapua St., Binondo, Sta Cruz, Manila. Para sa iba pang impormasyon tumawag lamang sa (02) 777-2258 o mag-email sa reservations@theblulanehotel.com at bisitahin ang kanilang website sa www.theblulanehotel.com  SID LUNA SAMANIEGO