BAHAGI na rin ngayon ng GMA Music ang The Clash Season 1 alumna na si Mika Gorospe matapos niyang pumirma ng exclusive contract kamakailan.
Sa papalapit na araw ng mga puso, ilulunsad ni Mika ang kanyang debut single na ‘Mahal, Paalam Na’ na isinulat ni Diane de Mesa na alay raw niya sa mga taong nasawi sa pag-ibig. Nakatakdang i-release ito ng GMA Music sa Pebrero 15 sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital platforms worldwide.
Ang music video naman nito ay ipapalabas din ng 4 PM sa Pebrero 15, sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Music.
Kuwento ni Mika, madamdamin daw ang lyrics nito, “It’s basically a hugot song, if you’re just tired of loving someone, for your own peace of mind, aalis ka na.”
Isa si Mika sa mga naging malalakas na contenders sa unang season ng The Clash. Hinangaan ng marami ang kanyang talento sa pagkanta kaya naman ngayon ay mayroon na siyang sariling fanbase.
Nagpapasalamat siya sa fans at sa GMA Music na patuloy na nagtitiwala sa kaniya, “It feels very promising kasi ito talaga ‘yung pangarap ko, it’s very fulfilling to know that there is a record label that believes in me.”
Dumalo sa contract signing ceremony sina GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Senior Talent Manager Daryl Zamora, at GMA Music Managing Director Rene Salta.
Sundan ang journey ni Mika sa GMA Music at abangan ang launch ng ‘Mahal, Paalam Na’ ngayong Pebrero 15.
‘MALVAR’ PRODUCER AT ANTI-CRIME CRUSADER KAISA SA PAGBASURA NG VFA
KAISA sa pagbasura sa PH-US Visiting Forces Agreement ang producer ng “Malvar ” at kilalang anti-crime at anti-corruption crusader sa bansa na si Atty. Jose Malvar Villegas, apo ng bayaning si Hen. Miguel Malvar.
Ang pelikulang “Malvar” ay tungkol sa true to-life story ng Pambansang Bayani na si Heneral Miguel Malvar na tagumpay na ipinaglaban at ipinamalas ang patuloy na adhikain na makalaya ang bansa sa pakikialam ng mananakop na Amerika na nanghimasok sa pagpili ng leader sa bansa at pagtakbo ng sistema na pinaiiral ng pamahalaan.
Sinabi ni Villegas, “pagkatapos nating mapaalis ang American bases na mahigit isang daan taong nanatili sa Pilipinas na pinamunuan ng mga leader na hawak ng mga dayuhang Amerikano, si Pres. Duterte lamang ang may lakas ng loob na labanan ang pakikialam ng mga Kano na walang magaling na idinulot at naprotektahan lamang ang political dynasties at lumaganap ang kurapsyon at Illegal drugs at naapektuhan ang ating moralidad, edukasyon at kultura ng bulok na sistemang Amerikano.
Sumasang-ayon ang producer ng “Malvar,” sa desisyon ni Pres. Rodrigo Duterte na tapusin na ang PH-US Visiting Forces Agreement. Ayon kay Villegas, na siya ring founder ng Citizen Crime Watch (CCW) ang “Malvar” ay isang napakalaking pelikula tungkol sa kasaysayan ng bansa na pinangungunahan ni Sen. Manny Pacquiao bilang Hen. Malvar.
“Tama lang na isunod ni Pres. Duterte ang pagbabasura ng PH-US Mutual Defense Treaty na nakasama sa atin sa mga bansa sa Asia,” banggit ni Villegas.
Comments are closed.