MASAYA at puno ng awitan ang media launch ng bagong musical variety program ng GMA Network, ang “Studio 7.” Pagpasok pa lamang ng lahat ng bumubuo sa show, masaya na ang atmosphere, lalo na at ‘biling-bili’ ang pakwela ng comic duo nina Super Tekla at Donita Nose, na kasama rin sa show.
Hindi na natapos ang question and answer sa bumubuo ng cast, dahil pinakanta na sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, comebacking Kapuso Pop Heartthrob Mark Bautista and Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
Kaya pagkatapos ng tatlo, hindi rin tumangging magparinig ng mga song, acapella, sina Gabbi Garcia, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kyline Alcantara at nagbabalik-Kapuso Rayver Cruz.
At patatalo ba ang mga naging finalist ng very successful grand finals ng “The Clash” na sina Garrett Bolden, Jong Madaliday, Josh Adornado, Mirriam Manalo at ang first The Clash Grand Champion na si Golden Canedo.
Biro nga, kapag talagang mga singer, bigyan mo lamang ng microphone, sing sila agad.
Kasama rin sa show ang new Kapuso stars, ang Legaspi Twins na sina Mavy at Cassy, na tiyak na magagandang production numbers ang gagawin kasama ang young actress na si Kate Valdez. Every Sunday kasi, iba-ibang presentations, new segments, ang gagawin nila at may special guests pa silang makakasama.
Ang fans and televiewers ay magkakaroon din ng chance maranasan ang ultimate “Kapuso Music Tambayan,” dahil puwede silang makipag-interact sa stars ng show every episode linggo-linggo. Marami pang sorpresang ibibigay ang show sa mga televiewer every Sunday.
Ang TV Director ng “Studio 7” ay si Miguel Tanchangco while heading the creative team is Creative Director Paolo Valenciano.
Sa Oktubre 14 na ang grand premiere ng “Studio 7” at 7:40 pm to 8:40 pm, sa GMA Sunday Grande.
REGINE VELASQUEZ NAKABITIN PA RIN KUNG
DIRETSO NA SA DOS PAGKAGALING SA ABROAD
NAKAALIS na kaya si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid? Nabalita kasi na aalis siya ng Monday evening for her US concert tour ng kanyang “R.3.0” concert na ginanap ng dalawang gabi sa Mall of Asia last year. Kasama niyang aalis ang asawang si Ogie Alcasid na siyang magiging special guest niya sa lahat ng shows niya roon. Sabi ni Ogie noon, 15 days silang mawawala for the concert tour.
Last Wednesday, balitang hindi natuloy umalis sina Regine dahil may mga inaasikaso pa raw ito. Pero wala pa ring maliwanag na balita kung sa pagbalik ni Regine ay diretso na raw siya sa ABS-CBN, dahil nga lilipat na raw siya roon.
Ang GMA naman ay wala ring sinasabi pa kung tuloy nga sa paglipat si Regine dahil wala rin silang alam sa final decision ng singer-actress. Basta sila, kung ano raw ang desisyon ni Regine, igagalang nila.
Sila naman ay tuloy pa rin sa mga bagong show na ginagawa nila ngayon, new teleseryes at ang bago nilang musical-variety show na “Studio 7”
Nakatakda nang magsimula ang dramedy na “Pamilya Roces” na ipapalit nila sa matatapos ng romantic-comedy series na “Inday Will Always Love You” ni Barbie Forteza na grand finale na sa Friday, October 5, pagkatapos ng “Onanay.”
Comments are closed.