NAGSAMA-SAMA ang mga batikang alagad ng sining sa pinakabagong yugto ng eksibisyon ng UST Atelier Alumni Association, Inc. na may titulong The Distinguished ’24.
Inorganisa ng Tribong USTE sa ilalim ng pamumuno ni Marissa Pe Yang, tampok ang Thomasian Visual Arts Honorees 2024.
Binibigyang pugay ng eksibisyon ang walang hanggang kontribusyon ng mga mahuhusay na alumni ng UST at ang mayamang kasaysayan ng Atelier sa paghubog ng malikhaing tanawin ng Pilipinas.
Ang bawat obra ay naglalaman ng bawat diwa ng importansiya, katatagan at pag-asa.
Isa rito ang obrang sardinas na isa sa naging sangkap na pagkain sa panahon ng pandemya.
Kabilang sa mga lumahok sa eksibisyon ay nabigyan ng pagkilala sa University of Santo Tomas sa hindi matatawarang kontribusyon sa larangan ng sining.
- Manuel Baldemor
- Remy Boquiren
- Richard Buxani
- Ramoncito Cruz
- Salvador Ching
- Dante Castillo
- Joe Datuin
- Fil Delacruz
- Janos Delacruz
- Anita del Rosario
- Edgar Doctor
- Raul Isidro
- Prudencio Lamarroza
- Derrick Macutay
- Nemi Miranda
- Justin Nuyda
- Jose Tence Ruiz
- Pinggot Zulueta
Dumalo bilang pagpapakita ng suporta ang glass sculptor na si Ramon Orlina, art critic Cid Reyes at kanyang maybahay na si Mary Ann, visual artists Juno Galang, Yolanda Batarra at marami pang iba.
Matutunghayan ang kanilang mga obra sa Artistspace Ayala Museum Annex, Makati City.
ALIH PEREZ