The downfall of Sofitel

Sofitel Philippine Plaza, isang kilalang landmark na nahihimlay sa tahimik na dalampasigan ng Manila Bay. Nagsara na Ang kanyang pintuan noong July 01, 2024, dahil daw sa security concerns. Accor Group ang nagpapatakbo nito mula pa noong 2006. Mayroon itong 600 suites na kakikitaan ng luxury and elegance, patunay na ito ay maituturing na puso ng Maynila.

Ilang ulit nang lumipat ng lugar ang 51-year old hotel. Ito ang kauna-unahang French luxury hospitality brand na itinayo sa Pilipinas noong 1964. Ipnatikim ng Sofitel sa mga Filipino ang French zest at nagbigay ng inspirasyon sa puso ng lahat upang maraming ang destinasyong hinahanap nila sa mundo.

May 120 modern luxury and French art de vivre Sofitel Hotel sa 40 bansa sa buong mundo, ngunit dahil nagsara na nga Ang Sofitel Philippines, 119 na lamang ito ngayon.

Paalam Spiral Buffett, ang pinakamahal na buffet sa bansa. Buffett tuwing Sunday na nagkakahalaga ng 4,092 PHP per person with all you can drink alcohol at 3,378 PHP per person with no alcohol.

May konting kurot sa puso sa permanenteng pagsasara ng Sofitel Philippine Plaza Manila. Sa ilang ulit kong pagbisita sa 5-star hotel na ito courtesy of Philip Morris Philippines, natikman ko ang French elegance na sila lamang ang nakaagbibigay.

Fourteen years old pa lamang ako ay pangarap ko nang makarating sa France kaya inaral ko ang kanilang kultura at lengguwahe. Sa Sofitel, nagkaroon ako ng interaction sa mga French speaking people.

Malakingnkawalan ang pagsasara ng iconic Sofitel Philippine Plaza sa Turismo ng bansa, at maging ang Department of Tourism (DOT) ay aminado dito.

Isa sa mga nagpaalam sa Sofitel Philippines sa pananagutan ng Spiral Buffett ang Fashion icon na si Angelino “Boyet” Fajardo Jr.

Sino ang hindi nakakakilala sa kontrobersyal na si Fajardo, na naging lamang ng mga pahayagan noong 2009 dahil sa Duty Free attendant na si Marvin Fernandez?

Hindi na natin ikukwento kung ano ang nangyari sa kanila, ngunit umabot ito sa demandahan, kung saan natalo si Fajardo sa kasong coercion at grave slander.

Na-dismiss na ang nasabing kaso, at magkaibigan na ngayon ang dalawang dating magkaaway. Aminado naman si Boyet Fajardo na mali siya at matagal na niya itong pinagsisihan. Pinatawad na rin umano siya ni Fernandez.

Ani Fajardo, siguro nga raw ay medyo yumabang siya noon dahil iyong ang panahon ng kanyang kasikatan sa fashion industry. Sikat siya, maraming pera — pero hindi siya kilala ni Fernandez — at nainsulto siya.

Nang na-dismiss umano ang kaso, agad niyang hinanap si Fernandez at personal na humingi ng tawad. Kumain raw sila sa Sofitel kaya memorable sa kanya ang hotel na ito.

Isinilang si Fajardo na isang PWD (person with disability). May problema siya sa braso at maroon pang glaucoma.

Ito marahil ang dahilan kung bakit sensitibo siya sa maraming bagay.

Noong 2014, ganap na nabulag ang kanyang kaliwang mata at ang kanan naman ay 30/400 vision. Ngunit naniniwala siyang may dahilan ang Diyos kung bakit siya binigyan ng ganitong pagsubok.

Hindi siya ipinanganak na mayaman ngunit pinilit niyang makatapos ng degree in Interior Design sa University of Santo Tomas. Nakaahon siya sa kahirapan dahil nagsikap siya, ngunit dala pa rin niya sa kanyang puso ang mga pait na kanyang dinanas. At siguro raw, ito ang dahilan kaya yumabang siya nang yumaman na.

Malaking aral kay Fajardo ang Duty Free incident. Kinondena siya at nawalan ng kaibigan. Ang hindi niya inaasahan, kung sino pa ang taong inapi niya — si Fernandez — ay siya pang naging karamay niya in the lowest point in his life.

Ani Fajardo, ang permanenteng pagsasara ng Sofitel Philippines ay tulad rin ng permanente niyang paglimot sa Duty Free incident. Paminsan-minsan ay maaalala, ngunit hindi na uulitin.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE