THE FIRST NOEL

Ayon sa Bibliya, Luke 2, mga pastol ng tupa ang unang dumalaw sa sanggol na si Jesus nang isilang ito sa isang sabsaban sa Bethlehem. Ito raw ang First Noel — Ang unang Pasko.

Mga pastol ang unang nagkaroon ng magandang balitang isinilang na ang tagapag­ligtas — syempre, ayon pa rin sa tsismosong si St. Gabriel Archangel.

Initial announcement lamang ito ng pagsilang ni Jesus, dahil dapat, discreet muna, dahil gusto nga siyang ipapatay ni Herodes? Hindi nga ba ito ang dahilan ng pagkakaroon ng “Niños Inocentes,” (pero saka na lang natin ito idi-discuss dahil mahabang kwentuhan yan). Ang mahalaga, mula sa langit ang balita at hindi sa ordinaryong Mari­tess.

Noel. Pasko. Iisa lang yan na simbulo ng holiday season. Ang Noël at mula sa Latin verb na “nasci” o  “to be born.” ayon sa Aklat ng Ecclesiastes, ang pagsilang ni Jesus ay tinatawag ding natalis. Pwede rin itong nael sa Old French, at nowel naman sa Middle English. Paano man ito sabihin, iisa lamang ang kahulugan. Isinilang si Jesus sa sabsaban at naligtas tayo sa kasalanang mana, kaya may pag-asa tayong makaakyat sa langit.

Kaye VN Martin