THE GEORGE TAPAN MASTERCLASS

THE GEORGE TAPAN MASTERCLASS

“The Lights and Life of the City”

ANIMO’Y may himig ng magandang musika at pambihirang tula ng isang makata ang bawat pitik ng lente ng kaniyang kamera. Siya si Maestro George Tapan – kilalang travel photographer ng bansa na hindi maramot ibahagi ang kaniyang talento sa mga mahihilig kumuha ng litrato – mapa-professional man, amateur or hobby ang “kumodak”.

George Tapan
George Tapan

Mayroong temang “Lights and Life of the City” na nais ipakita ang mga ipinagmamala­king produkto, tao, si­ning, kultura at natural na ganda ng Lucena City, naisakatuparan ang The George Tapan Masterclass Photography Competition na ginanap noong Agosto 14-16, 2019 sa The Event Center, SM City Lucena.

Madalas nang mag-conduct ng photography workshops at seminars si George Tapan pero es­pesyal sa kaniya ang masterclass na ito dahil isa rin si-yang My City, My SM honoree — parangal na ibinibigay sa natatanging personalidad na mayroong malaking ambag gamit ang kanilang talento at pam-bihirang nagawa sa kapwa.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Tapan sa pamunuan ng SM partikular na kay Ms. Millie Dizon, SM Publicity, sa suportang ibinigay nito sa masterclass dahil isa ito sa kaniyang pangarap at makatulong na rin sa komunidad sa pamamagitan ng mga litrato upang maipakilala ang mga pa­ngunahing produkto, naggagandahang tanawin, tao, sining at kultura ng isang lugar.

Nagsimula ang natu­rang event noong Agosto 2 para ipakilala ang masterclass scholars at orientation na tinalakay ang mga sumusunod:

– Intro to Food / Product Photography

– How to Caption your Photos

– Forum Using Your Camera Phone to Take Pictures

– Forum and Setting Expectations

Jorge Walter LaderaSa ikalawang araw, Agosto 3, naganap ang mismong photography workshop sa Event Theatre, Pacific Mall Lucena. Dito tinalakay ang photog-raphy: people, places, & events, photographer’s ethics, photo contest guidelines, photo contest applications forms at photo contest categories.

Nagkaroon naman ng Post-Workshop Photography Contest noong Agosto 4 hanggang 11 (na deadline na rin ng submission of photographs) sa Starbucks, SM City Lucena.

Agosto 14 hanggang 16 nang magbukas ang photography exhibit at awarding ceremonies sa naturang mall at isa sa naging hurado ang VP-ALC Media Group Advertising Sales Marvin N. Estigoy na aminadong nahirapan dahil sa galing ng mga kalahok sa kompetisyon.

At matapos ang mahigpit na labanan ng mga kuhang litrato ng mga kalahok, si Jorge Walter M. Ladera ang tinanghal na “big winner” sa natu­rang kompetisyon.

Si Tapan, na naniniwalang ang isang litrato ay dapat may buhay – kaya naman madalas makitang may tao sa kaniyang mga kuha. At kung may tao, dapat mayroon din umano itong kaluluwa na siyang magkukuwento ng istorya nito.

Ang The George Tapan Masterclass ay brainchild ng AGE Communications, sa pakikipagtulungan sa SM Publicity, SM City Lucena, at ­Quezon Tourism.

Comments are closed.