NGAYON, ika-21 ng Pebrero, ay ang araw ng pagbubukas ng aking pang-anim na solo show (“The Journey Continues”) na magaganap sa ArtistSpace sa Makati.
Ang formal reception ay idaraos bukas, ika-22 ng Pebrero, sa ganap na alas-kuwatro ng hapon.
Ang art exhibit ay magtatagal hanggang ika-6 ng Marso 2022. Malugod kong inaanyayahan ang lahat ng aking mga mambabasa na bisitahin ang art exhibit na ito na inilulunsad ng Pintô Art Museum, sa pakikipagtulungan ng Saturday Group.
Mahalaga at espesyal ang show na ito dahil ang ArtistSpace ay magbubukas muli pagkatapos ng dalawang taong pagkasara dahil sa pandemya—at ito ang unang art show na gaganapin sa pagbubukas na muli ng espasyong ito.
Bukod pa rito, kabilang sa exhibit ang ilan sa aking mga likhang nagawa habang tayo ay nasa gitna ng pandemya. Kabilang sa mga piyesang makikita ninyo rito ay mga father-daughter sculptures at ang aking pagbibigay-pugay kay Lady Godiva. Umaasa akong madadalaw ninyo ang aking exhibit bago ito magtapos sa Marso, kung hindi man kayo maka-attend ng formal reception bukas.
Ang ArtistSpace ay nasa ground floor ng Ayala Museum Annex sa kanto ng Makati Avenue at De La Rosa sa Makati City. Bukas ang gallery araw-araw mula alas-11:00 n.u. hanggang alas-8:00 n.g.
Para sa mga detalye tungkol sa exhibit, maaaring kontakin si Ms. Jenny Villanueva sa +632 8697 1015 o [email protected], at para naman sa impormasyon tungkol sa ArtistSpace, pwedeng tawagan ang +63 917 862 4425 o magpadala ng email sa [email protected]