Masarap manood ng sine kahit medyo mahal na, lalo pa at 5D. Mayroon kasing transformative process kung saan ang simpleng papel at tinta (screenplay) ay nagiging buhay na sining na umaakit sa mga manonood sa buong mundo. Ito ang tinatawag na Filmmaking Process, isang kumplikadong alkemiya kung saan pinag-iisa ang pagkamalikhain at husky na teknikal ng mga nasa likod ng camera.
Lumilikha sila ng visual storytelling na walang kinikilalang panahon — dahil maaari silang bumalik sa nakalipas, manatili sa kasalukuyan, o lumangoy tungo sa kinabukasan.
Ayon kay Dr. Eduardo J. Piano, dating Dean sa Film Making sa University of the Philippines Diliman, nagsisimulang tumibok ang puso ng pelikula sa screenplay pa lamang. Ito kasi ang narrative backbone, na gumagabay sa pagkakasunud-sunod ng creative decision.
Ngunit nagsimula lamang ito sa ideya ng screenwriter. Maaaring anf idea sa nobela, drama sa radyo, komiks, real-life story, o baka plain idea lang ng writer. Basta! Ang initial concept na ito ang sandigan ng lahat, salamat sa writer na armada ng kaalaman sa pagbalangkas ng kakaibang kasaysayan.
Sila ang lumilikha ng mga karakter, na iagaganapin sa mga plot, at pagsasalitain ng mga dayalogong akma sa cinematic life.
Hindi lahat ng screenplay, kaya ng isang draft lang. Kadaladang problema ng writer kapag nagsu-shooting na at biglang ipababago ang plot. Normal lang ang rewrite and revise method, hanggang sa ma-perfect ang story. Bawat draft, mas gumaganda ang isyorya.
Kung mahusay ang writer, ang screenplay na dating outline ay magiging mayamang narrative blueprint na handa na para sa visual interpretation
Usod na tayo sa pre-production. Dito magsisimula ang pagiging makatotohanan ng isang pangarap. Ito ang bahaging nangangailan ng masusing pagpaplano at paghahanda.
Bago ang lahat, dapat munang intindihing mabuti ng direktor ang screenplay, upang magkaroon siya ng tamang interpretasyon — at para alam din niya kung ano ang tamang anggulo sa bawat scene.
Ngayon, bawat kwadro na ang usapan dito. Ilalatag ang visual blueprints ng scenes, shot by shot, para mabigyan ng visual guide ang production.
At tatawagan na ang mga actors para mag-audition sa papel na ganilang gagampanan.
Ihahanda na rin ang mga kakailanganin at protocols para sa Location Scouting, na una nang hinanap ng naka-assign na team. Sisiguruhin nilang ang location ay magsisilbing physical spaces ng story o kaya naman, sila na mismo ang lilikha nito depende sa hinihingi ng istorya.
In-charge naman ang Art department sa art design — syempre! Sila ang bahala kung anong klaseng bahay ang gagamitin, anong damit ang sosootin, at kahit ang pagkaing ihahain sa pelikula, sila rin ang bahala. Sa pagkakataong ito, kailangang malawak ang kanilang imagination, lalo na kung futuristic ang movie.
Kung full-length movie, designers ang bahala sa transport ng actors oati na rin sa make-up.
Kapag naihanda na lahat, “Lights, Camera, Action” na, dahil simula na ng shooting hanggang mataposnsa kahulu-hulihang sequence. Depende na sa direktor kung mapapaarte niya ng maganda ang mga actors.
Pero huwag balewalain ang cinematographers dahil sila ang bida sa light and shadow; ang sound team na kung wala, silent movie ang labas ng pelikula mo. Ang mga grips and electricians support na kapag pumalpak, Mary Mother of God, siguradong sablay ang movie mo.
Trabaho ng director na siguruhing bawat aspeto ng pelikula ay maayos, at bawat sandali sa set ay pagkakataon para ma-capture ang magic.
Ngunit hindi maiiwasang kahit planadong planado na ang lahat, may lalabas at lalabas pa ring palpak.
Halimbawa na lang, summer ang isu-shoot tapos biglang ulan, paano na? E di pack up!
Ngunit kayang lusutan lahat ng challenges basta nagkakaisa ang lahat.
So natapos ang shooting at Post-Production na tayo. Editing na ang kasunod. Kung storytellers ang writers, ganoon din ang editors. Iniaayos nila ang scenes para mas malinaw ang kwento ng movie.
Pasok din ang Sound Design ng mga Sound designers, Music Scoring para mag-reflect ng emotions at themes. At syempre, ang Sound Effects para ma-emphasize dramatic beats.
Enter din ang Visual Effects (VFX). Madyikero ang mga VFX artists. Sila ang mga digital wizards na nagpapalipad ng dragon, lumilikha ng higante, nagpapaputok ng bulkan at kung anu-ano pa.
Meron pa nga palang Colorists fine-tune hues ara sa to mood, etcetera.
O, di po ba sobrang dami ng pinagdadaanan ng movie bago gatin mapanood sa silver screen para lamang magkaroon ng complete cinematic experience?
Tapos na ang post-production, pero hindi pa dyan nagtatapos. May marketing pa.
Pipili ng Trailers at Posters syempre para sa promotion. Magpapatawag pa ng Press Conference, at maghahanda pa sa mga press Junkets at Premieres.
Then, distribution na sa mga sinihan. Sa wakas!
Akala mo tapos na? No siree! Hihintayin mo pa ang reviews at ang ipi-post sa social media ng bashers.
There was a time na pinangarap kong maging film maker — hindi natupad. Actually salamat, at ‘di natupad. Napaka-stressful pala.