Amalia Amador Muhlach ang tunay na pangalan ng rival queen ni Susan Roces, pero mas nakilala siya sa screen name na Amalia Fuentes. Isinilang siya noong August 27, 1940, at kinilala bilang isang mahusay na Filipino actress, producer, at screenwriter.
Dahil sa angking kagandahan, tinawag siyang “Elizabeth Taylor of the Philippines.” Gayunman, nagkatulad lamang sila sa ganda dahil tapat magmahal si Amalia.
Namayagpag ang kanyang kasikatan Philippine cinema noong 1950s hanggang 1970 — ngunit hindi siya nalaos. Nagdesisyon lamang siyang magretiro at manirahan sa America.
Kung tutuusin, maagang nag-artista si Amalia. 1950s siya nadiskubre at nagsimula na agad ang kanyang acting career sa Sampaguita Pictures, isa sa pinakasikat na film studios noong panahong iyon. Agad din siyang sumikat at nakilala matapos maging bida sa napakaraming pelikulang kumita sa takilya. Si Susan Roces lamang ang tangi niyang kalaban sa pagiging premier leading lady in Philippine cinema. Ang kanyang elegance at kagandahan, na sinabayan pa ng kanyang acting talent, ang dahilan kaya kinaluguran siya ng manonood.
Isa siya sa pinaka-bankable stars sa kanyang panahon, at nakilala sa mga romantic dramas at family-otiented films. Sa mga lumang pelikulang napanood ko sa telebisyon noong bata pa siya, karaniwang role niya ay tomboyish o belyaka. Ngunit sa mga mature roles, kung saan gumanap na siyang ina, maganda pa rin ang kanyang performance.
Itinayo niya ang AM Productions at nag-venture siya sa paggawa ng pelikula, na siya syempre ang bida. Mas lalo pang lumawak ang impluwensya niya sa industrya dahil iilan lamang noon ang babaeng naglalakas-loob na mag-venture sa film production.
Bahagi si Amalia Fuentes ng sikat na Muhlach showbiz family. Actually, siya ang pinagmulan nito — bilang panganay sa magkakapatid.
Pamangkin niya si Aga Muhlach, isa sa pinakamatagumpay na aktor sa Pilipinas. Pamangkin din niya si Niño Muhlach, ang “Child Wonder” ng Philippine cinema. At syempre, apo niya sa pamangkin ang kambal na sina Atasha at Andres Muhlach at ang controversial rape victim na si Sandro Muhlach.
Nagpakasal si Amalia sa isa pang guwapo at sikat na aktor na si Romeo Vasquez, at nag-iisa nilang anak si Liezl Sumilang, na naging asawa naman ni Albert Martinez, isa pang guwapo at mahusay na aktor na hangga ngayon ay aktibo pa sa pelikula. Nauwi sa diborsyo ang kasal ni Amalia kay Vasquez, at nagkaroon siya ng second husband, ngunit hindi na uli nagkaanak. Doon siya nagdesisyong magretiro at manirahan sa America.
Sa kanyang katandaan, hindi nagbago ang kanyang kagandahan, ngunit nagkaroon siya ng napakaraming personal challenges, kasama na ang health issues. Na-stroke siya noong 2015, sanhi upang matali siya sa wheelchair at hindi na rin makapagsalita.
Natapos ang kanyang paghihirap noong October 5, 2019.
Kaye VN Martin