Ninety four years old na si Clint Eastwood, ang nagpauso ng slogan na “Go ahead, make my day,” sa kanyang mga cowboy movies noong 60s at 70s.
Vegan siya, meaning, hindi siya kumakain ng karne, isda o anything na nanggaling sa hayop like milk, cheese at butter. Umiinom siya ng milk, pero soya milk, at margarine sa halip na butter ang palaman niya sa tinapay.
Wala raw secret ang kanyang long life except, ini-enjoy niya ito to the fullest.
Marami siyang pera,kaya niyang bilhin ang kahit ano, ngunit simple lang ang kanyang pagkatao. Hindi siya materyoso. Hindi siya mahilig sa alahas, magarang kotse, at signature na damit, ngunit malaki ang bahay niya at masasabing halos
parang asyenda ang kanyang lupain.
May mahalaga siyang tagubilin sa lahat, lalong lalo na sa mga kabataang nalululong sa maalwang buhay dala ng makabagong teknolohiya. Nakikita niyang nawawalan na sila ng panahon sa pamilya at kaibigan.
Sabi ni Clint:
“Don’t look for luxury in watches or bracelets, don’t look for luxury in villas or sailboats!
Luxury is laughter and friends, luxury is rain on your face, luxury is hugs and kisses.
Don’t look for luxury in shops, don’t look for it in gifts, don’t look for it in parties, don’t look for it in events!
Luxury is being loved by people, luxury is being respected, luxury is having your parents alive, luxury is being able to play with your grandchildren. Luxury is what money can’t buy.”
At marahil, tama siya. Sabi nga ni Confucius, the best things in life are free. Ano ang mga iyon? Love, happiness, camaraderie, friendship, family, ang hanging hinihinga natin, ang sinag ng araw, at marami pang ibang hindi natin napagtutuunan ng pansin.
Ang American actor/film director na si Clinton Eastwood Jr. ay isinilang noong May 31, 1930. Una siyang sumikat sa Western TV series na Rawhide, at nakilala sa buong mundo sa pelikulang “Man with No Name” sa Dollars Trilogy of spaghetti Westerns ni Sergio Leone noong mid-1960s. Mas sumikat pa siya bilang antihero cop Harry Callahan sa limang Dirty Harry films noong 1970s at 1980s.
Noong 1986, dalawang taon siyang naluklok bilang mayor sa Carmel-by-the-Sea, California.
Ang iba pa niyang sikat na pelikula ay Every Which Way but Loose (1978) at comedy sequel na Any Which Way You Can (1980); Westerns Hang ‘Em High (1968); The Outlaw Josey Wales (1976) at Pale Rider (1985); Where Eagles Dare (1968); Escape from Alcatraz (1979); Heartbreak Ridge (1986); Line of Fire (1993); at The Bridges of Madison County (1995).
Sa millennium era, ginawa niya ang Gran Torino (2008), The Mule (2018), at Cry Macho (2021).
Mula 1967, apat na pelikula lamang ang ginawa ng kanyang kumpanyang Malpaso Productions na siya ang bida.
Nanalo si Eastwood ng Best Director at Best Picture sa pelikulang Unforgiven (1992) at Million Dollar Baby (2004).
May mga pelikula rin siyang hindi naipalabas tulad ng Mystic River (2003) ay Letters from Iwo Jima (2006).
Dinihire niya ang Changeling (2008), Invictus (2009), American Sniper (2014), Sully (2016), at Richard Jewell (2019).
Sa mga awards, meron siyang apat na Academy Awards, apat na Golden Globe Awards, tatlong César Awards, at AFI Life Achievement Award. Noong 2000, naiuwi niya ang Italian Venice Film Festival’s Golden Lion award bilang parangal sa kanyang lifetime achievements. Binigyan din siya ng highest civilian honors sa France, ang Commander of the Ordre des Arts et des Lettres noong 1994, at Legion of Honour noong 2007.