Dalawang oras kang nakatutok sa silver screen matapos magbayad ng ticket. Nagustuhan mo ang pinanood mong movie. Teka lang! Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas nila bago mo napanood ang pelikulang yan?
Hindi lamang ito glitz and glamour. Napakaraming dinaanan ng movie bago ito mai-release.
Maraming kwento ang mga crew members, at minsan, pumipirma pa mga sila sa nondisclosure agreements. Bilang karaniwang viewerz, natutuwa tayo sa on-screen magic pero hindi tayo interesadong alamin kung ano talaga ang nangyayari habang umiikot ang mga camera, o sa panahong nagpapahinga sila.
Alamin natin ang mga “behind-the-scenes secrets” na bumuo sa iyong favorite films, sa paraang hindi mo talaga maiisip.
Sa paglikha ng cinematic masterpieces, hindi lamang talent and vision ang kailangan. Diskarte rin, para magawa ang imposible. Mission Impossible, ika nga.
Halimbawa, si actor Paulo Avelino, na nagpataba at nagpapayat simultaneously para mas maging makatotohanan ang pagganap niya bilang Victor sa “Linlang.”
Sa pelikula namang Taklub ni Nora Aunor (panlaban sa Metro Manila Film Festival sa December 2024), kailangang maging makatotohanan ang setting na supposedly sinira ng bagyong Yolanda.
Sa Hollywood, mas matindi. Noong 1975, matapos mag-click sa takilya ang “Jaws” ni Steven Spielberg, maraming natakot maligo sa dagat. Galing, di ba? Ang hindi nyo alam, nasira pala ang mechanical shark kaya napilitan si Spielberg na less screen time muna sa shark, na mas lalo pang nagbigay ng suspense.
Yung “Maria. Leonora, Theresa,” malabo ang instructions sa cast kaya kailangan nilang mag-improvise. Ang genuine reactions nila ang mas nagpaganda sa movie dahil completely authentic ito.
At hindi maikakailang mahuhusay talaga ang mga actors na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Zanjoe Marudo. Meron silang tinatawag na method acting.
What about “Gagamboy” by Vhong Navarro?
Matagal siyang nag-practice para maging makatotohanan ang kanyang mannerisms at boses.
Huwag ding kalilimutan ang power struggles off-screen. Away ng director at actor na kadalasang sanhi ng pack-up.
Notorious si Lav Diaz sa pagiging metikuloso kaya ang haba ng panahon ng filming. Nabubwisit tuloy ang mga producer at artista.
Sa totoo lang, maraming sakripisyong hindi naikukwento para maging realistic ang movie. Minsan nga, nalalagay pa sa panganib ang buhay ng artista – by choice or by accident. Nung panahon nina Lito Lapid at Dante Varona, ayaw nila ng double kahit pa sa mahihirap na action scenes, claiming na dati silang stuntman kaya kaya nila lahat ng stunts. Maraming beses silang naaksidente.
Mayroon ding accidental masterpieces. Akalain nyo bang effective pala ang eye-acting ni Nora Aunor sa ‘Ina ka ng anak mo.’ Aba, sumikat siya ng husto dahil dito.
Sa ‘Brutal’ ni Marilou Diaz Abaya, hindi si Amy Austria ang first choice sa lead role. Dinagsa pa ito ng isyu pati na technical difficulties, badyet, a skepticism sa kakayahan ng bida, including Gina Alajar at Jay Ilagan. Actually, pati director dahil baguhan pa noon si Abaya. Yet, it made history nang makopo nila halos lahat ng major awards.
So much to that, enjoy watching na lang.
Kaye VN Martin