Matapos ang tatlong sablay na pag-aasawa, nakatagpo rin sa wakas ng tunay na pag-ibig si “Charlie’s Angels” star Jaclyn Smith sa edad na 51!
Hindi sikat na actor o celebrity ang kanyang naging asawa, pero duktor siya. At isa sa mga nailigtas niya ang mismong ama ni Jaclyn.
Matapos makipagdiborsyo kay Tony Richmond noong 1989, nagpakasal si Jaclyn sa surgeon na si Brad Allen noong 1997.
Ngayon ay 78 years old na si Jaclyn, pero hindi pa rin malilimutan ang kanyang naging role sa “Charlie’s Angels” bilang sikat na detective na si Kelly Garrett.
Ngunit tapos na ang “Charlie’s Angels” days at masaya na siya sa role ng pagiging lola.
Kaye VN Martin