THE LISTENING BIENNIAL 2023

(Pagpapatuloy)
MAAARI pang bisitahin ang sound art exhibit na “there is no sound artist, just sound art” sa PAROLA mula Martes hanggang Biyernes hanggang ika-11 ng Agosto, mula alas-10 n.u. hanggang alas-3 n.h.

Mangyaring magpadala ng email sa [email protected] kung nais ng isang guided group tour. Libre at bukas sa publiko ang naturang palabas, ngunit ipinapayo na mag-pre-register sa parehong email address bago magpunta.

Ang unang bahagi ng exhibit sa ground floor lobby ng PAROLA ay tinawag na “use your ears”. Mula ito sa kasabihan o ekspresyong Pinoy na “Mata kasi ang gamitin, hindi bibig!” Ito ay isang listening exhibit na itinatampok ang mga likha ng 25 artista mula sa iba’t ibang rehiyon na pinili ng mga curator ng Biennial.

Ang ikalawa at ikatlong bahagi ng eksibisyon ay makikita sa iba’t ibang lugar sa gusali. Itinatampok dito ang sound installation works mula sa 19 manlilikhang nakabase sa Pilipinas, kabilang na ang restaging ng “Sandata” ni Lirio Salvador, at ng “Atang, a Sound Prayer” mula sa UP Diliman Arts and Culture Festival nitong nakaraang taon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa TLB 2023, bisitahin lamang ang website para sa mga kaganapan sa Asya sa https://listeningbiennial2023.dayangyraola.com/ o ang website ng TLB 2023 global project mismo sa https://listeningbiennial.net/biennial-editions/listening-biennial-second-edition.

o0o
Ang ika-55 anniversary exhibit ng The Saturday Group of Artists ay maaaring matunghayan sa Art Lounge Manila – The Podium hanggang ika-30 ng Hulyo 2023. Malugod kong iniimbitahan ang aking minamahal na mambabasa ng aking kolum dito sa PILIPINO Mirror.