The Lula Club nina Rei Germar, Hazel Quing, Ry Velasco & Jammy Cruz

Kung hindi ka sigurado sa pagsisimula ng iyong negosyo na mag-isa ka lang, tawagan ang mga ekspertong sina Rei, Hazel, Ry, at Jammy. Hanapin ang negosyong gusto ng puso mo at makikita mo, parang hindi ka nagtatrabaho.

Para kina Rei Germar, Hazel Quing, Ry Velasco at Jammy Cruz, ang kanilang collective passion of collecting and preserving precious memories ay libangang pinagkakakitaan. Nagbebenta sila ng disposable films and planners.

Napaka-cute! At tinawag nila itong The Lula Club.

Nagsimulang makailala si Rei noong 2017 matapos may mag-post ng video sa pamimili sa Divisoria na nakakuha ng atensyong ng maraming tao. Umabot sa 7,000 ang mga likes nito, patuloy na nagri-ring ang kanyang cellphone, at hindi siya handa sa pangyayaring ito. In the first place, hindi naman laging good comments ang mababasa mo.

Meron din kasing mahilig mambasag ng trip.

Bago yan, iilan lamang ang likers niya – ang family, relatives at friends niya. Katulad lamang siya ng mga karaniwang college students na nagsi-share ng pictures sa YouTube. Hindi niya pinangarap na magkaroon ng viewers na labas sa kanyang circle at napakarami pa. Madali naman siyang nakapag-adjust – millennial, laban ka?

Pero simula pa lamang yan. Dahil kahit paano ay may pangalan na. naisipan ni Rei at ng kanyang mga kabarkadang gamitin ito sa pagtatayo nila ng negosyo. Naisip na ba ninnyo kung paano mag-manage ng negosyo ang magkakabarkada? Naku, napakagulo pero napakasaya rin. Nagkaisa ang mga content creators na sina Rei Germar, Hazel Quing, Ry Velasco, Jammy Cruz, Migy Romulo, and Suzelle Lumbera na itayo ang The Lula Club, “a community that encourages memory keeping.”

Dahil pare-pareho sila ng interes at hobbies, nagkasundo-sundo talaga sila sa project na ito. Parang ito na raw ang kanilang celebration of friendship. Gusto nilang i-share ang kanilang passion sa kanilang audience, at eventually, ma-inspire ang ibang tao dito. Ginawa raw ang The Lula Club para sa kanilang komunidad, para magkaroon ng sandal upang mag-enjoy sa buhay.

Para kina Rei, Hazel, Ry, Jammy, Miggy, at Suzelle, ang best part about ng kanilang negosyo ay ang trial and error process. Pero kapag nakikita na nila ang finished product at naa-appreciate ito ng buyers, sobrang tuwa nila. Jayzl V. Nebre