“Kapag dumating yung araw na matanda na ako at hindi makalaro, sana hindi ninyo ako makakalimutan na nagbigay ng karangalan sa bansang Pilipinas na aking Mahal. ” EFREN ‘BATA’ REYES
The Magician of Billiards
Hindi ko masyadong kilala si Efren “Bata” Reyes dahil bata pa rin ako noon at hindi mahilig sa billiards nang sumikat siya, ngunit napapanood ko siya sa TV sa mga lumang pelikula ni Fernando Poe, Jr., at naririnig ko rin ngayon ng madalas ang pangalan niya sa matatandang kasama ko sa San Nicolas Parish, kaya naisipan ko siyang i-research.
Kung achievements pala ang usapan, hindi siya pahuhuli Kay Carlos Yulo.
Nagsimula ang kanyang pamamayagpag noong 1985 nang sunud-sunod siyang nag-champion sa Sands Regency Nine-Ball Championship; Red’s Nine-Ball Open; Tar Heel Open; Willard’s Open; at Chicago Billiard Cafe.
Champion din siya noong 1986 sa Sands Regency Nine-Ball Championship.
Nagpahinga siya noong 1987 ngunit muling sumabak at nanalo noong 1988 sa PBA McDermott Masters Nine-Ball.
Taong 1990 niya sinungkit ang World Cup sa Taipei matapos ang dalawang taong pagkawaka sa limelight.
Muli siyang nagpahinga at muling sumabak sa 1992 International Nine-Ball Classic; at World Nine-Ball Open sa Tokyo — wagi lahat.
1994 naman nang lumaban siya sa U.S. Open 9-Ball Championships;al at PBT Bicycle Club Invitational.
Eleven years old ako noong 1995 nang sumali siya sa Sands Regency Open 21 Nine-Ball Championship; PBT World Eight-Ball Championship; Pro Tour Nine-Ball Championship; Maine 14.1 Event; at Bicycle Club VII.
Nang sumunod na taon,1996, nilabanan niya si Earl Strickland sa The Color of Money. Syempre, wagi. Wagi pa rin sa PBT World Eight-Ball Championship; PBT Legends of Nine-Ball Championship; Camel World Nine-Ball Championship; PBT Western Open; àt PBT Florida Flare Up III. Namamayagpag na ang ating bida ngunit nanatili pa ring nakatapak ang paa sa lupa.
Patuloy ang pamamayagpag sa 1997 kung saan nakipagkumpitensyansiya sa PCA Shooters Challenge; at PCA Treasure Island Resort Event.
Nang sumunod na taon, 1998, lumaban siya at nagwagi sa World Eight-Ball Championship kahit nangailangan pa ng klaripikasyon ang panalo; gayundin sa Camel South Jersey Ten-Ball Open.
Taong 1999, muling nagmalaki ang Pilipinas sa ESPN Ultimate Nine-Ball Challenge; ESPN Ultimate Shootout; Sands Regency Open 29 Nine-Ball Championship; World Professional Pool Championship; Derby City Classic Master of the Table; at Derby City Classic One-Pocket.
Sa pagbubukas ng bagong milenyo, year 2000, sumabak naman si Bata Reyes sa U.S. Open One-Pocket Championship; PBT World Eight-Ball Championship; Camel Pro Eight-Ball Championship; Pennsylvania State Nine-Ball Championship; at USA Billiards Challenger Event 2.
Hindi pa nasiyahan, taong 2001 nang sumabak siya sa World Pool League; Tokyo Open 9-Ball; US Masters Nine-Ball; International Billiard Tournament; Accu-Stats Eight-Ball Invitational; at The Color of Money II vs. Earl Strickland uli. Hindi na nadala. Nasa Toro na ako noon at naka-assign sa Congress. Ilang mambabatas din ang nakisawsaw sa kanyang kasikatan.
Taong 2002 siya kinilala sa Asian Games Eight-Ball singles kung saan bronze medal ang kanyang naiuwi; ngunit champion naman sa World Pool League; Cafe Puro Challenge of the Masters; Shooters Labor Day Weekend Open Nine-Ball; at International Challenge of Champions.
Noong 2003, ginawaran siya ng Billiard Congress of America Hall of Fame dahil wala nang makatalo sa kanya. Iyan ay matapos Sunud-sunod niyang ipanalo noong 2003 ang World Classic Billiards Tournament; Las Vegas Nine-Ball Open; San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Manila; Mid-Atlantic Nine-Ball Championship; at All Japan Championship.
Taong 2004, nagkaroon ako ng unang inaanak — este, pinadapa ni Bata Reyes ang lahat ng kalaban sa WPA World Eight-ball Championship; On Cue 3: Intercontinental Conquest; San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Singapore; San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Vietnam; San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Taiwan; at sa Derby City Classic Master of the Table; pati na sa Derby City Classic One-Pocket.
Taong 2005 naman siya nagpakitang-gilas sa All Japan Championship; Derby City Classic Master of the Table; Derby City Classic Nine-Ball; at Derby City Classic One-Pocket. Wagi rin siya sa IPT King of the Hill Eight-Ball Shootout at Philippine representative sa San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Indonesia.
Kinatawan siya noong 2006 sa San Miguel Asian 9-Ball Tour (Indonesia Leg) at sa IPT World Open Eight-ball Championship; pati sa World Cup of Pool, kasama si Francisco Bustamante.
Sa nasabi ring taon, nagtungo siya sa Vietnam para sa San Miguel Asian 9-Ball Tour at nakilahok sa Derby City Classic One-Pocket.
Nagpaulan din siya noong 2007 sa Derby City Classic Master of the Table at sa Derby City Classic One-Pocket.
Noong 2009, Kasama niya si Rubilen Amit sa World Mixed Doubles Classic at mag-isa naman niyang kinoponang Galveston World Classic One Pocket; pero magkatuwang sila ni Francisco Bustamante sa
2009 World Cup of Pool.
Taong 2010, ginulo niya ang Spanish Open 2010; Predator International Ten-Ball Championship; Derby City Classic Master of the Table; Derby City Classic Fatboy Challenge 10-Ball; Derby City Classic Nine-Ball; at Asia vs. Europe Challenge Match. Syempre, lahat iyon ay wagi.
Nang inakala Kong magreretiro na ang Magician, taong 2012, kasama siya Chuck Markulis na lumaban sa Memorial One-Pocket Division at noong 2011 naman, sa World Mixed Doubles Classic (with Rubilen Amit) pati sa US Open One Pocket Championship.
Sa pagpapatuloy, kasali na naman si Bata Reyes sa 2014 MP Cup Gensan International Open 10-Ball; Smokin’ Aces One-Pocket Shootout; at Derby City Classic One-Pocket.
Noong 2016 at 2015, Kasama siya sa Accu-Stats Make-It-Happen One-Pocket Invitational. Actually, hindi ko ito masyadong naiintindihan ngunit sa mga sports-minded, alam nila iyan. Chess lang Kasi ang sports ko.
Noong 2018, tinanggap niya ang 1st Asian Culture Day Lifetime Achievement Award sa Las Vegas, Nevada, USA; nagwagi sa Taiwan Pool Classic (Team Philippines); at wagi rin sa The Break Room 8-Ball Classic.
Noong 2019, nasulot niya ang “6th Annual Junior Norris Memorial Shootout 9-Ball Champion.”
Kung ako ang tatanungin (at kahit hindi ninyo ako tanungin), isa si Bata Reyes sa mga unsung sports heroes of the Philippines.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE