Kamakailan ako’y nabisita riyan sa Legazpi, Albay. Hindi na naman bago sa akin ‘yan dahil may panahon na ginagawa kong Cubao ang nasabing siyudad at lalawigan.
Ngunit sa ilang taon kong hindi pagbisita roon ay napakarami na rin pala ng nagbago sa lalawigan ni Mayon, ang pinakamarikit na dilag sa beauty pageant ng mga bulkan sa buong mundo dahil na rin sa kanyang perfect cone.
Ako ay napabisita sa Legazpi at nag-check-in sa The Marison Hotel, bagong-bago ang mga pasilidad at talaga namang maipagmamalaki ng mga taga-Legazpi.
Isang three-star hotel, ang Marison ay may swimming pool at kaaya-ayang buffet lounge. Napaka-propesyunal ng serbisyo, mga magagalang at mahuhusay ang mga staff nila na handang umalalay sa mga guest ng hotel anumang oras.
Ating nakadaupang-palad ang may-ari nitong si Ma’am Daisy Uy sa grand opening ng hotel na ginanap kamakailan.
Napakasasarap ng mga pagkain. Bumabaha man ang kanilang bisita ay hindi nagkulang ang mga empleyado nito sa pag-asikaso at ang ngiti ni Ma’am Daisy ay talaga namang kumikinang buong gabi.
Banaag din ang hospitality na likas sa mga Bikolano sa mga staff ng hotel, kaya naman kampante ka talaga, parang home away from home na nga.
Napakalinis ng mga pasilidad nito at ubod ng ganda ng disenyo ng bawat sulok ng hotel. Mayroon silang mga function room para sa mga kumperensya gaano man kalaki ang crowd.
Kaya kapag nasa Legazpi, maaaring bisitahin ang Marison Hotel para sa kanilang masasarap na pagkain, cool na pasilidad o upang mag-check-in sa kahabaan ng kanilang stay sa Albay.
Muli, salamat Ma’am Daisy Uy. Sa uulitin!
Comments are closed.