THE MEDICAL CITY NAKAMIT ANG HEALTHCARE ASIA AWARDS 2018 PARA SA MARKETING INITIATIVE OF THE YEAR

THE-MEDICAL-CITY

NAGWAGI ang nangungunang health institution na The Medical City (TMC) ng Marketing Initiative of the Year award para sa “Sing-A-Lung”, ang pulmonary test ng pagamutan na maaa­ring awitin, sa katatapos na Healthcare Asia Awards 2018.

Idinaos ang awarding ceremony nitong Mayo 23, 2018 sa Conrad Centennial Singapore. Ang nasabing award ay tinanggap nina Product Marketing Manager Marilen G. Forsuelo at Corporate Communications Manager Anne Ruth Dela Cruz mula kay Tim Charlton, Editor-in-chief of Healthcare Asia Magazine.

Ang Healthcare Asia Awards ay isang awards program na inorganisa ng Healthcare Asia magazine upang kila­lanin ang mga health institution sa Asia Pacific Region para sa kanilang kahanga-hangang inis­yatibo at hindi matatawarang pagsisikap na magkaroon ng mga programa sa kabila ng market challenges.

Isa ang lung disease sa nangungunang silent killers sa mga Filipino. Sa kasamaang palad, hindi nagtutungo ang ilang mga mamamayan sa mga pagamutan upang masuri at sumailalim sa lung check-up. Karaniwan silang nakapupunta sa mga pagamutan ay matindi na ang kanilang karamdaman. Noong 2015, tinatayang 3.2 milyong katao ang nakaranas ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) na pangunahing dahilan ay paninigarilyo at polusyon, habang 400,000 katao ang namatay dahil sa asthma. Ang COPD at asthma ay magagamot sa abot-kayang halaga, subalit marami sa mayroong ganitong sakit ay undiagnosed, misdiagnosed o undertreated.

Nais hikayatin ng TMC ang mga tao na ipasuri ang kanilang mga baga bago pa mahuli ang lahat. Noong Agosto 2017, inilunsad ng TMC ang “Sing-A-Lung” bilang screening tool na tutulong sa mga tao na sasailalim sa Pulmonary Function Test (PFT), isang convenient at non-invasive test na susukat sa kakayahan ng iyong baga. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paboritong pastime ng mga Pinoy, ang karaoke.

Ang mechanics ng pulmonary test tool ng pagamutan ay pinagsama sa tulong ng mga musician upang makalikha ng self-test song. Ang mga elemento na susuri sa breath control at lung volume capacity gaya ng extended notes at short at forceful notes o staccato ay inilagay sa kanta. Ang awit na may pamagat na “Symptom of Love” ay isang love song na mayroong lirikong maihahalintulad sa nararamdaman kapag nakararanas ng problema sa baga.

Kapag nahirapan o nakulangan ng ha­ngin ang mga pasyente habang kumakanta, na­ngangahulugan itong kailangan niya ng comprehensive PFT mula sa nasabing institusyon.

Matapos i-record ang kanta, sinubukan ito sa TMC. Gumawa rin ng karaoke video para sa kanta at inilunsad sa hospital lobby ng TMC. Nagsisimula ang video sa isang mabilis na pagpapaliwanag kung ano ang sinusuri ng kanta at natatapos sa paghihika­yat na magpa-schedule sa nasabing pagamutan. Inilagay rin ito sa social media, na makatutulong sa bawat isa na malaman ang kalusugan ng kanilang mga baga.

Mula nang ilunsad ang “Sing-A-Lung”, lumago ang pulmonary function tests sa pagamutan at ang karaoke video ay naging most viewed video content sa The Medical City Facebook page.

Nakalagay sa Facebook post ay “Are you ready to Sing A Lung to this song? The Medical City presents a fun, free, and easy way to check your lung health. Through a song! This song was especially made to test your lung strength and health. If you have difficulty singing it, it may be time for a check up.” Ginagamit din ang hashtags na #SingALung and #TMCLungHealth.

About The Medical City

Ang The Medical City (TMC) ay mayroong 50 taong karanasan sa hospital operation at administration ng world-class healthcare facilities para sa 50,000 inpatients at 500,000 outpatients bawat taon. Patuloy ang paglago ng healthcare network ng TMC sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas, patunay sa commitment ng pagamutan na magkaroon ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa lumalaking customer base. Narating na rin nito ang global arena sa pamamagitan ng ownership at operation ng Guam Regional Medical City o GRMC, ang una at tanging private hospital sa Guam, at ang pagkakaroon ng ambulatory clinics sa Gulf Cooperation Council countries.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Pulmonary Function Test, tumawag lamang sa TMC Pulmonary Diagnostic and Therapeutic Center sa numerong 988-1000 / 988-7000 ext. 6238.