INIANUNSIYO ng The Medical City (TMC) ang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC), na paboran ang Board of Directors ng Professional Services at iba pang petitioners, sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Temporary Restraining Order (TRO) na nag-a-awtorisa sa mga bagong talagang management team na ipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin.
Nabatid na kinikilala ng desisyon ng hukuman ang aksiyon na ginawa ng mga shareholder sa isang Special Stockholder Meeting (SSM) noong Setyembre 13, alinsunod sa bylaws ng TMC, kung saan mayroong 230 shareholders na kumakatawan sa 74% ng shareholdings ang dumalo at bumoto para maghalal ng bagong Board of Directors at CEO para sa taong 2018-2019.
Ang nasabing kautusan, na naging epektibo sa lalong madaling panahon, ay mananatili hanggang sa Oktubre 7, 2018.
Ang mga pagdinig naman sa aplikasyon para sa preliminary injunction ay magaganap sa intervening period.
Ikinatuwa naman ni Dr. Eugenio Jose F. Ramos, Chief, Executive Officer ng TMC ang desisyon ng hukuman.
“Providing outstanding patient care and ensuring that our doctors, nurses and other colleagues can operate in a safe and harmonious working environment, are critical priorities for the new, revitalized management team of TMC,” komento ni Ramos.
“Today’s Order puts the divisions of the past few months behind us and is an important step forward that will enable us to drive much needed improvements to the business, promote greater collaboration, and increase transparency across our network, unifying the TMC family around a shared goal to create a world class medical healthcare group that the Philippines can be proud of,” dagdag pa niya.