Story and photos by Diomedes Capareda
Isa po akong Man from Dadiangas — ang siyudad na matatagpuan sa southern part ng South Cotabato, na kinikilala ngayong General Santos City. Matagal nang sikat ang aming lugar ngunit mas sumikat pa kami dahil sa internationally well-known boxer natin na si Manny Pacquiao na mula rin dito.
Kilala ang lugar namin bilang “The Tuna Capital of the Philippines” pero mas sikat kami sa dami ng mahuhusay na boxers na aming nai-produce liban pa kay Manny Pacquiao. Meron din kasi kaming iba pang superstars tulad nina Nonito Donaire at Rolando Navarette. Si Navarette ang unang tinaguriang The Man from Dadiangas.
Dati kasing Dadiangas ang pangalan ng General Santos — na naging municipality of Buayan, at naging
General Santos o GenSan noong June 1954, sa bisa ng Republic Act No. 5412. Noong July 8, 1968 ay idineklara ito bilang siyudad.
Mga Blaan people ang original settlers ng nasabing lugar, at sila ang tumawag ditong Dadiangas, base sa mga punong Dadiangas na matatagpuan dito. Ang Dadiangas tree ay maraming tinik na nakapalibot sa katawan. Ang scientific name nito ay Ziziphus-spina-Christi, dahil ayon sa mga katutubo, ang tinik nito ay ginagamit bilang koronang tinik ni Jesus bago ipako sa krus.
Napakaraming dadiangas trees sa Pilipinas — sa GenSan in particular. Tinatawag din itong manggachapui at dalingdingan. Matigas ito at straight grained wood na ginagamit noong unang panahon sa paggawa ng mga Manila galleons, dahil bukod sa napakatibay nito ay hindi pa ito inaanay.
Dati ay iisa lamang ang Saranggani at GenSan na bahagi ng South Cotabato, ngunit hinati ito noong 1992. Ang GenSan ay ipinangalan kau General Paulino Santos na siyang namuno sa pioneer settlement dito, na karamihan ay Christian Filipino migrants. Siya rin ang namuno sa development ng Koronadal Valley mula pa mid-1930s. Matatagpuan ang General Santos city sa unahan ng Sarangani Bay ng Celebes Sea sa kahabaan ng baybayin ng Mindanao.
Sa pamamasyal ng ilang kaibigan kong sina Jojie de Leon, Corrie Siasoco, Myra Valdez at Tess Bacit Tapia sa GenSan, nakatutuwang nag-enjoy sila ng husto. Matutuwa ka dahil sobrang mura ng mga prutas, ani Tess. Yung lanzones, ten pesos lang ang kilo. Yung mangoosteen, P25 lang isang kilo. Magsasawa ka sa kakakain ng prutas, kaya two nights kaming hindi nag-dinner. Puro fruits lang kinakain namin kaya, I am sure, nagtaasan mga sugar ng mga lola mo.