November, ang eleventh month of the year, ang huling buwang may 30 araw. Bawat araw nito ay may dahilan upang magsaya at magbunyi.
November 1st pa lamang, bukod sa pagiging All Saints Day, ito rin ang selebrasyon ng World Vegan Day, kung saan ipinakikilala ang mga benepisyo ng vegan diet at veganism in general. Unang ipinagdiwang ang Vegan Day noong November 1, 2023 — pagkatapos na pagkatapos ng pandemya dahil sa COVID-19. Maki-celebrate na rin tayo, wala namang masama. Isabay na lang natin sa All Saints Day.
Sa November 2 naman, ito ang All Souls Day. Sa Balayan, Batangas at sa iba pang lugar sa Pilipinas, November 2 sila dumadalaw sa puntod ng mga yumao. Kung November 1 naman, nagpapamisa sila o nagpapadasal para sa kanilang mahal sa buhay na namayapa na.
Sa All Souls’ Day, pinaniniwalaan sa Pilipinas na dumadalaw sa mundo ng mga buhay ang mga namayapa mula sa purgatoryo.
November 3 naman nang maimbento ang sandwich ni John Montagu, 4th Earl of Sandwich — kaya nga tinawag na sandwich ang sandwich.
Wala akong makitang pwedeng i-celebrate sa November 4, pero sa November 5, ito ang World Tsunami Awareness Day. Ipinaaalam sa lahat ng Tsunami Awareness Day is observed on November 5th to highlight ang dangers na dala ng tsunami at upang bigyang diin ang kahalagahan ng early warning systems upang mabawasan ang damage na lilikhain ng natural disaster na tulad nito.
November 6 ang International Day for Preventing the Exploitation of the Environment and Armed Conflict.
National Nachos Day naman ang November 6 sa Mexico. Makikain na lang tayo.
Para sa akin, pinakamahalagang araw sa November ang November 7 dahil ito ang Infant Protection Day. World Cancer Awareness din ito, upang magkaroon ng awareness ang lahat tungkol sa cancer at gawin itong global health priority. Nagsimula ito noong 2014.
Ngunit World Radiography Day naman ang November 9, at Legal Services Day din. Ito rin ang World Freedom Day.
Sa November 10, ipinagdiriwang ang World Science Day for Peace and Development kung saan kinikilala ang kahalagahan ng siyensiya sa sosyedad. Ipinagdiriwang din sa araw na ito ang World Public Transport Day, isang global initiative upang magkaroon ng awareness sa kahalagahan ng public transportation upang mapagbuti ang kalidad ng pamumuhay ng tao. Huwag ding kalilimutan ang World Immunization Day na paalaala ng kahalagahan ng bakuna upang mapangalagaan ang global health.
Sa November 11 naman ang National Education Day. At November 12 naman ang World Pneumonia Day. Pulmunya kasi ang nangunguna sa pagkitil ng buhay ng mga sanggol.
Pero sa November 13, World Kindness Day naman. Magpakabait daw tayo.
At pagkatapos nating magpakabait, November 14 naman ang selebvrasyon ng Children’s Day, kasabay ng World Usability Day — yung araw upang gumawa tayo ng hakbang to make the world a better place for everyone.
Sa November 15, ito ng World Diabetes Day — bawal ang sweets.
November 16 ang International Day of Tolerance. Meaning, magpasensya ka lalo na sa mga taong nakakaubos ng pasensya.
November 17 ang National Press Day, pero hindi yata nagse-celebrate nito ang mga Filipino. Sabayan pa ito ng International Students Day at National Epilepsy Awareness Day.
World Day of Remembrance for Road Traffic Victims naman ang November 18.
Thus, World Toilet Day naman ang November 19 ang araw upang pagtuunan ng pansin ang global sanitation crisis at upang ma-achieve ang Sustainable Development Goal (SDG). Ito rin ang International Men’s Day na nagpo-promote ng kalusugan ng mga lalaki at mga kabataang lalaki.
November 20 ang Universal Children’s Day. Sinimulan ito noong 1954. Idagdag pa rito ang World Chronic Obstructive Pulmonary Disease Day.
Kinabukasan, November 21, World Television Day naman na sinabayan pa ng World Hello Day, para sabihing ang lahat ng problema ay nareresolba sa komunikasyon. Idagdag pa ang National Philosophy Day, araw ng pagtanggap ng impact of philosophy sa sosyedad, kultura at kaisipan ng tao.
I am sure, hindi ipinagdiriwang ang National Espresso Day sa Pilipinas kung November 23, pero makiki-celebrate ako dahil mahilig ako sa kape. True-blue Batangueno po ako. Sa totoo lang, hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil ito ang araw ng kamatayan ng aking Lola Eleng. At syempre pa, ito rin ang araw na nangyari ang Maguindanao Massacre, kung saan halos 100 journalist ang pinaslang ng walang awa.
Sa November 25, ipinagdiriwang naman ang International Day for the Elimination of Violence Against women and Children. Sinimulan ito noong 1993 at isinasagawa taon-taon. Ang VAWC ay kahit anong act of violence na nagiging sanhi ng physical, sexual, o psychological harm o pagdurusa sa kababaihan at bata, kasama na ang pagbabanta.
Aba, November 26 ang National Milk Day. Inom tayo ng gatas. Kung lactose intolerant ka, e di soya milk na lang.
Red Planet Day naman ang ipinagdiriwang tuwing November 28 bilang pag-alala sa Mariner 4 spacecraft’s na inilunsad noong November 28, 1964 patungong Mars. Isabay na natin dito ang Thanksgiving Day na sa totoo lang, hindi naman talaga tayo nagse-celebrate. Alam lang natin dahil may mga kamag-anak tayo sa US at Canada.
Hindi rin natin ipinagdiriwang ang International Day of Solidarity sa November 29 pero banggitin na rin natin, at ewan ko kung ipinagdiriwang ng mga mall ang Black Friday na isang most anticipated shopping events worldwide.
Syempre, sa November 30 meron tayong Bonifacio Day, at walang pasok sa buong Pilipinas sa araw na iyan kaya inaabangan ng lahat.
JAYZL V. NEBRE