THE NETHERLANDS GAGAMIT NG CORONA PASS

HANGGANG Setyembre 25 na lamang ang pagsunod ng mamamayan ng The Netherlands sa social distancing.

Ito ay makaraang magdesisyon ang Dutch government na luwagan na ang galaw ng publiko, buksan ang ilang negos­o at paganahin ang kanilang ekonomiya.

Unang hakbang ay ang paggamit ng “corona pass” (CP) na ibibigay sa edad 13 pataas.

Mabibigyan lamang ng CP ang isang residente kung kumpleto na ang bakuna kontra CO­VID-19.

Sa anunsyo ng Dutch government, dapat laging dala ng residente ang CP para makapasok sa bar, restaurants, clubs o cultural events.

Inanunsyo rin ni Prime Minister Mark Rutte na karamihan ng protocol sa social distancing ay hindi gagamitin o ibabasura sa Set­yembre 25.

“That is why I am happy that we today can announce that we can scrap social distancing as an obligation everywhere starting on Saturday, September 25,” paha­yag ni Rutte sa kanilang mamamayan subalit iginiit pa rin ang pag-iingat.

Gayunpaman, mananatili pa rin ang pagsusuot ng face mask sa public transportation at sa paaralan gayundin ang work from home. EC

8 thoughts on “THE NETHERLANDS GAGAMIT NG CORONA PASS”

Comments are closed.