Palaging busy si TV and radio host, newspaper editor, creative director, columnist, club owner and eventologist Tim Yap, pero para sa inyong kaalaman, negosyante rin siya – tipikal na chinoy. Co-owner siya ng maraming clubs sa bansa at isa na rito ang The Palace Pool Club.
Palace Pool Club ang kauna-unahang day club sa Metro Manila, kung saan may swimming pools at club music na pwedeng pagpilian lalo na sa panahong ito na sobra ang init ng panahon. Ang The Palace ang pinakamalaking biggest nightlife destinations sa Asia na may mga outlets tulad ng Valkyrie nightclub, The Palace Pool Club, Brewery (Craft Beers), Café Naya, at Revel Room – isang Japanese lounge and restaurant. Pag-aari ito ng isang grupo sa likod ng Embassy, Members Only, Prive, Aracama, Draft, 71 Gramercy at 12 Monkeys.
Maraming pwedeng gawin sa The Palace Pool Club, ang latest hip hangouts sa Bonifacio Global City. Located sa 9th Avenue corner 36th Street, Bonifacio Global City, meron itong hiwalay na counter para sa guest list at sa mga nagbabayad ng entrance fee.
Paborito ng lahat ang sunbeds na malapit sa pool, kung saan pwede kang magtampisaw sa pool habang naroon ka pa rin sa sarili mong table. Pwede kang magpa-reserve ng couches na malapit sa bar, o sa air-conditioned cabanas na may mini terrace sa labas para sa mas pribadong karanasan.
Masarap din ang kanilang pagkain at makakapili ka sa Mediterranean o Continental comfort food pati na sa bar chow, sa tamang halaga lamang. Meron silang dalawang bars, na ang main bar ay nasa courtyard malapit sa entrance at ang second bar naman ay bukas lamang kung weekend, na malapit naman sa exit.
Ang maganda rito, matapos kang mag-swimming maghapon, pwede ka pang sumayaw sa gabi kahit pa ang suot mo ay ang resorts wear at swimwear mo.
Istrikto ang The Palace sa pagsusuot ng tamang proper swim attire. Pero sa mga club, lalo na sa Valkyrie, may dress code. Dapat, ang mga lalaki ay nakasuot ng closed shoes and collared shirts. Bawal ang shorts at jogging pants. Ang mga babae naman, dapat, naka-sandals o closed shoes.
Hanggang 5 feet lang ang pool at meron silang mga lifeguard sakaling may malunod kahit mababaw ang pool.
May locker rooms and shower areas para sa guests pero may additional charge, kasama na ang towel. So, kung tinatamad kang umalis sa Kamaynilaan dahil ayaw mong maipit ng traffic sa SLEX, CAVITEX at Coastal Road, punta ka na lang sa The Palace Pool Club. Kaya lang, it’s kinda expensive kaya masasabi kong hindi ito para sa lahat.