The Palace Pool Club, isang karanasan with Fabio Ide

Hindi lahat ay nakaaalam, ngunit ang Brazilian actor/model/racer na si Fabio Ide ay isa sa mga nagmamay-ari ng high-end bar na The Palace Pool Club.

Ang The Palace Pool Club ay ang kauna-unahang swimming pool at club music na pinagsama upang magkaroon ng tinatawag na ultimate pool fun.

Ito rin ang pinakapopular at biggest nightlife destinations sa Asia na may mga district outlets kasama na ang  Valkyrie nightclub, The Palace Pool Club, Bre­wery (Craft Beers), Café Naya, at Revel Room – isang Japanese lounge and restaurant.

Grupo ang may-ari nito na karamihan ay nagtatrabaho sa Embassy kaya ang status ay Members Only, Prive, Aracama, Draft, 71 Gramercy at 12 Monkeys.

Heto ang maaasahan ninyo sa The Palace Pool Club, ang pinakasikat ngayong tambayan sa Bonifacio Global City. May hiwalay na counter ang pool club para sa mga nakalista sa guest list at sa mga nagbabayad lamang ng entrance fee. Syempre, may inspection para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Mahal ang entrance fee pero libre mula Sunday hanggang Friday, at kung Sabado, Php800 na may kasamang 2 drinks, swim band, at tuwalya.

Pwedeng ma-enjoy ang The Palace Pool Club ang mga mesa, Sunbed at Cabana na hindi naman kamahalan. Pwedeng pumili ng air-conditioned cabana na may mini terrace sa labas para mas pribado.

Kung pagkain naman ang usapan, walang problema basta i-order lang ng maaga. Hindi rin ito kamahalan dahil ang presyo ay parang ordinaryong fine dining, pero sosyal na sosyal ang serving.

Hindi naman masyadong malalim ang pool dahil 5 feet high lamang ito pero palagi pa rin silang may mga lifeguards upang makaiwas sa aksidente.

Istrikto sila sa pagsosoot ng swim attire. In other words, hindi pwedeng maligo ang naka-shorts at T-shirts lang. Syempre, hindi pwedeng pumasok ang naka-gown, hehe!

Syempre, may locker rooms at shower areas para sa mga guests na lalangoy sa swimming pool. Lahat ng lala­ngoy ay binibigyan ng swim band, na may additional fee, kasama na ang towel at locker.

Nakaka-enjoy dito, pero ang overall experience, makakasama mo ang guwapong guwapong si Fabio Ide.– NV