The Power of High-Protein Diet

Dahil tumaba nga ako noong pandemya, at natatakot na rin dahil namatay ang pinsan ko ng biglang bigla, nagkaroon ako ng quest for effective weight loss strategies (hindi po sa golden fleece). At natuklasan ko, high-protein diet ang pinakapopular na choice sa mga health enthusiasts and fitness aficionados.

Kasi naman, kung marami kang protein, lagi kang busog. Mape-preserve mo pa ang lean muscle mass, at napapabilis pa ang metabolism. May pangako ang high-protein diet ng pro­mising approach upang mawala ang excess pounds pero malusog ka pa rin. Sa comprehensive guide na ito, tatalakayin natin ang bawat himaymay ng high-protein diet na makapagpapapayat, hahanapin natin ang tunay na depinisyon, mga mapagkukunan ng rich protein, ay mga potential benefits na kaakibat ng high-protein foods sa ating pang-araw-araw na buhay.

Unang Tanong: Ano nga ba ang sinasabi nilang High-Protein Diet for Weight Loss?

Sa high-protein diet, kakain tayo ng protein-rich foods habang in moderation naman ang consumption ng carbohydrates ay fats. Meaning, mas maraming ulam kesa kanin, at kung maaari, walang prito. Wala namang problema dyan dahil meron namang air fryer at oven, di ba?

Kakaiba sa mga traditional low-calorie diets, na kadalasang nagmumukha tayong timawa dahil lagi tayong gutom, alsa high-protein diet, naka-focus tayo sa satisfying hunger and promoting feelings of fullness, kaya pwedeng hindi Kumain ng medyo matagal. Kung protein ang ating main dish at hindi kanin, mapapabilis ng dietary approach na ito ang ating metabolismo, mape-preserve ang muscle mass, kaya nasusupportahan ang katawan sa pagbabawas ng timbang. Hindi lalawlaw ang balat na nahila noong tumaba tayo.

Naikwento ko na sa inyong sinubukan ko ang intermittent diet at nag-struggle ako sa yo-yo dieting and cravings ng mga unhealthy snacks. Ngayong lumipat na ako sa high-protein diet, nakaranas ako ng newfound sense of sa­tisfaction and control sa aking cravings. Kung naka-focus sa lean proteins tulad ng chicken, fish, at tofu, makukuha mo ang weight loss goals na hindi ka feeling pinagkaitan dahil nga gutom ka.

Kung puno ng protein-rich foods ang iyong diet, makikita mo agad ang mga benepisyo nito sa iyong kalusugan at sa itong weight loss goals sa loob lamang ng isang buwan. Medyo mabagal, pero mabuti na ang slowly but surely kesa mamatay ka sa gutom. Heto ang ilang pagkaing magandang pagkunan ng high-quality protein:

A. Laman ng karne:

Lean meats tulad ng chicken breast, turkey, at lamang ng karneng baka at baboy ay puno ng protina at essential nutrients. Mas mabuti kung hindi kakainin ang balat ng manok kahit pa masarap dahil litson. Nasa balat ang bad cholesterol at mas maraming calories ng manok. Sa ganoong paraan, nama-maximize ang protein content ng pagkain. Pwedeng ihawin, ihurno, air fryer o kahit kon­ting gisa lang ang nasabing mga karne. Pwede ring adobo, tinola, sinigang o nilaga — kung ano ang paborito mo para ganahan ka — pero konting konti lang ang mantika.

Dahil busy professional ako, kadalasang umaasa na lamang ako sa mga karneng nabibili sa labas — kadalasang litsong manok dahil wala akong tiwala sa luto ng iba kung ginigisa.

Syempre nakakasawa kung araw-araw na grilled chicken ang kakainin mo kaya minsan, bumibili rin ako ng nilagang baka. Ito ang cornerstone ng aking high-protein diet.

Dahil sa lean protein sources ng aking meals, lagi akong busog ay ener­gized buong araw kaya nakakaiwas ako sa paborito kong pancit-palabok.

B. Fish and Seafood:

Hindi ako masyadong mahilig sa isda at seafood pero mayaman sila sa protina, kaya kapag may oras ako, nagluluto ako ng sinigang na hipon o kaya naman ay baked bangus. Alam ko kasing bukod sa rich in protein sila, meron pa itong heart-healthy omega-3 fatty acids. Piliin ang salmon, mackerel, at tanigue,  na may mas mataas na protein content kumpara sa ibang seafood varieties. Mas gusto ko silang grilled, baked, o steamed — kaya lang, pag steamer fish, nilalagyan ko ng mayonnaise at lemon para mas masarap. That means, nagko-consume ako ng extra fat kaya bihira akong kumain ng steamed fish.

C. Plant-Based Proteins:

Gulay person ako kaya feeling ko, kung meat o fish lang ang kakainin ko, may kulang. Buti na lang, may plant-based protein sources na napakagandang alternative sa tulad kong vegeta­rian or vegan. Pwedeng pamalit ang legumes tulad ng beans, lentils, munggo, ay chickpeas. Mayaman sila sa protein, fiber, at essential nutrients. Isama sila sa sopas, salads, stir-fries, o plant-based burgers para mas satisfying ay protein-packed ang pagkain.

Bilang isang dedicated environmentalist, mas gusto ko syempre ang plant-based proteins tulad ng lentils and tofu pero kailangan ng time para ihanda sila kaya bihira ko itong kainin. In fairness, may tinda namang ginisang munggo sa kapitbahay kung Friday at may fried tofu rin sa lugawan.

Gusto ko rin ng malunggay at iba pang flavorful plant-based recipes, kaya nagluluto ako pag may time. By the way, mag-isa lang po ako sa bahay.

Honestly, mas madaling magbawas ng timbang kung high-protein foods ang iyong daily diet. Kaya try mo na.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE