Kung athlete ka, alam mo ang ibig sabihin ng pushing the boundaries sa kung ano ang posible sa kaya ng katawan mo. Pero kahit hindi ka atleta, hindi lamang naman relentless training at kailangan para maging MVP — o sa mga hindi atleta, para maging makislig (attentive). Nutrition din.
May kakilala ako national athlete (dahil trying hard din akong maglaro ng Rugby noong araw) na umiinom ng protein mix para raw lumaki ang muscles. Curious, tinikman ko naman, pero buti na lang at maliit na lata lang ang binili ko. Ang sama ng lasa! Hindi ko akalaing ganoong hirap ang dinaranas ng isang athlete para maging handa sa laro. At sa totoo lang, mahal yung protein mix. Paano na kaya yung manlalarong walang pambili?
Mas applicable sa mga ordinaryong taong tulad ko ang proper nutrition at well-designed diet. Siguro, ganoon na rin sa mga athletes na mahirap lang at walang pambili ng mahal na supplements.
Pero bago natin talakayin ang meal plans at micronutrients, mag-set muna tayo ng foundation. Ang nutrition kasi ng athletes, kadalasan, quick fixes na kailangan sa kanilang rigorous training. In fairness, hindi lang athletes ang may kailangan nito. Yung mga mabibigat din ang trabaho tulad ng kargador, estibador, karpentero, mason, driver, matadero at marami pang iba. Kailangan nila ng sapat na calories para may energy sa pagtatrabaho.
Carbohydrates, proteins, at fats ang kailangan para okay ang energy levels at madali rin ang muscle repair.
Aba, huwag kalilimutan ang tubig! Tubig po, hindi energy drink. Pag dehydrated kasi, manghihina ka, totoo po iyon.
Huwag din pong kain ng kain ng wala sa oras lalo na kung sitsirya. Nakaaapekto ito sa performance, and recovery ng katawan.
Carbohydrates ang primary energy source. Sa simpleng salita, tinapay o kanin o mais. Pwedeng kamote o saging na saba. Naiipon sila sa glycogen sa lamang at atay na gamitin anytime. At siguruhing gagamitin mo, dahil kung hindi, tataba ka! Kung hindi ka atleta, mag-exercise ka!
Mahalaga rin ang proteins. Pag wala ito, hindi mare-repair ang nasirang muscle tissues pagkatapos ng strenuous workouts. Example nito ay karne, isda, dairy products, itlog at mga plant-based options tulad ng quinoa, tokwa, taho, soya at iba pa. Syempre, dapat ay may amino acids din at fats, pero sana, healthy fats o unsaturated fats mula sa avocado, nuts, seeds, olive oil at virgin coconut oil.
Omega-3 Fatty Acids ang mas maganda, at nakukuha naman ito sa salmon, bangus, tilapia at iba pang matabang isda. Maganda rin ito sa puso.
Yung mga palang electrolytes, nakukuha yon sa sodium, potassium, magnesium, at calcium, na kailangan ng katawan para sa fluid balance and nerve function.
Kumain 3 to 4 hours before exercise para may steady energy source. Pwede rin ang small snack 30 minutes
after exercise.
Kung seryoso ka sa health mo, siguraduhing hindi lang basta pagkain ang pumapasok sa bibig mo. Sa totoo lang, it’s more than just eating healthy. Tungkol din ito sa pagmimintene ng overall wellness. Alamin kung ano ang kailangan ng katawan at gumawa ng sarili mong diet na at least, masarap, hindi yung pikit-mata mong lululunin dahil kailangan. Marami namang pagpipilian!
JAYZL NEBRE