BAHAGI ng expansion ay lumipat sa bago, mas maluwag, well-equipped at mas accessible na lokasyon ang The Pretty You Prime Aesthetic Clinic sa Summit One Tower, 530 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ayon sa owners ng The Pretty You Prime na sina Mr. Marvin at Jessa Macaraig, nagdesisyon sila ng relocation upang mas maganda at mas madaling mapuntahan ng kanilang mga kliyente para sa komprehensibong beauty experience.
Kumpiyansa ang Macaraig couple na sa bagong location at mapapalapit sila sa kanilang mga kliyente para sa kanilang serbisyo kasama na rin ang pag-aalok ng kanilang beauty products at maging ang kanilang TPY Cafe kung saan matitikman ang mga healthy coffee, depende sa choice, hot or cold at maging ang pastries.
Nitong Setyembre 17 isinagawa ang blessings ng TPY Prime Aesthetic Clinic at mahalaga ang nasabing aktibidad sa bawat pagbubukas mga sagay sa Macaraig couple dahil hangad nila ang gabay mula sa Diyos.
Tinahak ng mag-asawang negosyante ang matapang na hakbang na ito upang mas mahusay na paglingkuran ang kanilang pinahahalagahang mga kliyente.
Dinaluhan ng mga kasosyo sa negosyo at tapat na kliyente ni Jessa ang okasyon, kung saan sila ay nakibahagi sa kasiyahan ng mahalagang yugto na ito.
Binigyang-diin ni Jessa, ang limang pangunahing factor o gabay na kaniyang itinuturing na mahalaga sa pamamalakad ng isang matagumpay na negosyo: pananampalataya, kakayahan sa paglutas ng problema, kreatibidad, pagnanais, at tunay na pagkatao.
Ang mga prinsipyong ito ang pundasyon ng tagumpay ng The Pretty You Prime at patuloy na magiging pangunahing lakas ng kanilang operasyon sa kanilang bagong lokasyon.
Tampok din sa bagong lokasyon ng TPY Prime ang semi-boutique, na kukumpleto sa kasiyahan at beauty experience ng kanilang mga kliyente.
Mula sa rejuvenation hanggang sa professional makeup styles, ang The Pretty You Prime ay na-aalok ng beauty enhancement, natural beauty at self-confidence. EUNICE CELARIO