“THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA” FILM PINIGIL NA MAILABAS

MATAPOS pumutok ang kontrobersiya kaugnay sa sinasabing rape kay Pepsi Paloma na dahilan ng  pagsasampa ng kaso ni “Eat Bulaga” host-comedian Vic Sotto, iniutos ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang pag-isyu ng Writ of Habeas Data na nagpapatigil sa direktor na si Darryl Yap sa pagpo-post ng teaser videos at ma­ging sa paglalabas ng upcoming film nitong “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Nitong Huwebes, Enero 9, nagsampa ng 19 counts ng cyber libel si Sotto laban kay Yap kaugnay ng teaser ng trailer ng naturang pelikula.

Itinakda ng kor­te ang petisyon para sa summary hearing sa dara­ting na Miyerkoles, Enero 15, 2025  upang matukoy ang merits ng petition.

“The parties are enjoined to present on that day their respective evidence pertaining to the Petition,” saad ng Muntinlupa court.