Tinatawag Ang Zambales na ‘Chromite Capital of the Philippines’ dahil sa dami ng chromite deposits dito, isang uri ng mineral na ginagamit sa produksyon ng stainless steel at iba pang industrial applications.
Kilala rin ang Zambales sa masarap na mangga, bagnet, at pastillas. Siguro naman ay narinig na ninyo ang manggang Dinamulag na napakatamis. Bagnet naman ang chicharon version ng Zambales — malutong na karneng baboy na napakasarap isawsaw sa sukang may sili, na pwedeng pang-ulam sa kanin.
May isang lugar sa Zambales na pinagdarayo ng turista: ang San Antonio. Isa itong hunting region na paborito ng mga indigenous hunters — sa Pundaquit in particular. Galing sa Paoay, Ilocos Norte ang mga unang tao dito na nag-migrate noong 1830. Sila ang nagtayo ng unang Spanish settlement dito, na nang lumaon ay tinatawag na San Antonio.
Madali lamang itong puntahan by bus at mura lamang ang pamasahe, at mula sa terminal ng bus, pwedeng magpahatid sa tricycle kung saan mo man gustong pumunta. May pampasaherong jeepney rin kaya madali ang travel. Pero mas madali kung may sariling sasakyan. Mag-waze ka na lang.
Tinatawag itong San Antonio noong June 13, 1691 dahil fiesta ni St. Anthony of Padua — at ito rin ang araw na dumaong ang Spanish expedition sa baybayin ng Ilog na pinangalanan nilang Rio San Antonio. Ngunit walang nakaalam sa San Antonio hanggang 1718, nang itatag ang first mission at first presidio sa San Pedro Springs. Tinawag ng mga Ilocano ang lugar na Pamisaraoan. Ang bayang ito ay dating bahagi lamang ng Uguit (Castillejos na ngayon) noong 1830’s.
Sa ngayon, pinagdarayo na ito ng mga turista dahil sa mahaba at malapad nilang baybaying dagat, kung saan puting-puting ang mga buhangin.
JAYZL V. NEBRE