(ni AIMEE GRACE ANOC)
GO UP! Hindi na maitatanggi ang patuloy na pag-angat ng Filipino boy group SB19 simula nang mag-trending ang ikalawa nilang kanta noong Hulyo 26, 2019—ang “Go Up”. Dahil sa pagsusumikap at angking talento ng grupo, ngayon ay hindi na lamang sila sa bansa nakikilala kundi maging sa buong mundo.
SB19 MEMBERS
Ang grupo ay binubuo ng limang miyembro na sina John Paulo “Sejun” Nase, 25, ang leader ng grupo, rapper at lead vocal; Josh Cullen Santos, 26, ang lead rapper at dancer; Stellvester “Stell” Ajero, 24, ang main vocal at lead dancer; Felip Jhon “Ken” Suson, 22, ang main dancer at vocal; at Justin De Dios, 21, visual, vocalist at ang bunso ng grupo. Mayroong kanya-kanyang angking talento na ngayon ay nagagamit nila upang magpasaya at mag-bigay inspirasyon sa nakararami, lalo na sa patuloy na sumusuporta sa kanila—ang “A’TIN”, opisyal na fandom name ng SB19.
Tulad ng mga sikat na boy group ngayon sa mundo—EXO, BTS, Big Bang, Got7 at iba pa, hindi biro ang pinagdaanang training ng SB19 sa ilalim ng Korean intertainment company na may branch sa bansa, ang ShowBT Philippines Corporation. Maraming sakripisyo ang pinagdaanan ng bawat miyembro makamit lamang ang kanilang mga pangarap kung saan ay dumating din sila sa punto ng “walang kasiguraduhan”. Tatlong taong sumailalim sa matinding training kung saan hindi lamang sariling oras ng kanilang buhay ang ibinigay kundi maging ang oras na sana ay inilaan nila para sa kanila-kanilang tungkulin sa pamilya, pag-aaral at trabaho.
Nag-debut ang grupo sa kanilang unang kanta na “Tilaluha” noong Oktubre 26, 2018, hindi kalakihan ang naging ingay nito sa music industry ng bansa. Kung saan panibagong pagsubok na naman ito sa grupo upang bumuo nang panibagong kantang magpapakilala sa husay at talento ng kanilang grupo. Hanggang noong Oktubre 2019, nag-trending ang kanilang ikalawang kantang “Go Up”, kasalukuyang mayroong 4 million views sa YouTube, na sumasalamin sa kanilang passion upang patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap.
Isang inspirasyon ang Ppop boy group SB19 sa sambayanang Filipino at sa mga kabataang nagnanais ding pasukin ang larangang kanilang tina-tahak ngayon sa kung ano ang nagagawa ng determinasyon at pagsusumikap upang maabot ang tinatamasa nilang pagkilala ngayon sa buhay.
LATEST ACHIEVEMENTS
Nito lamang Nobyembre 14, 2019, nakuha ng SB19 ang “Favorite Group of the Year” sa 5th Edition ng LionhearTV RAWR Awards para sa ka-nilang ika-11 anibersaryo, ang RAWR awards ay kumikilala sa mga natatangi at kilalang personalidad sa intertainment industry ng bansa. Patuloy rin ang pamamayagpag ng grupo sa kanilang kantang “Go Up” na 39 beses ng nangunguna sa MYX Daily Top 10, unang local group na nagtagal ng 30 days sa #1 spot ng MYX. Gayundin, kabilang ang SB19 sa MYX Daily Top Ten: Artists with the Longest Days at #1 kasama ang BTS, sina Taylor Swift, Darren Espanto, Shawn Mendes, Camila Cabello, James Reid at Nadine Lustre.
Nasa ikalimang puwesto rin ang grupo sa “Top 8 Boy Groups in Asia” ayon sa MENhave: A Lifestyle Guide for Men. At ngayong linggo ay nakuha ng grupo ang ikaanim na puwesto sa Billboard’s Next Big Sound Chart, ang chart na ito ay tumutukoy sa “fastest accelerating artists during the past week and predicted to achieve future success” ayon sa Billborad.com kasama ang BIA, Rotimi, (G)I-DLE, Rico Nasty, at A.C.E.
Patuloy ang pag-trending ng grupo sa Twitter tulad ng latest hashtag nilang #SB19onBillboardNBS. Kabi-kabila na rin ang kanilang naging guest-ings sa iba’t ibang shows sa tv networks, radio, events, at maging sa social media—facebook live.
Abala rin ang grupo sa kabi-kabilang mall shows at school attacks maging sa darating nilang free 10 concerts plus 1 nationwide kung saan ang ilang rito ay may petsa na at lugar tulad sa Cagayan De Oro sa Enero 11, 2020; Cebu sa Enero 25, 2020; Iloilo sa Pebrero 1, 2020; UZ Summit Centre sa Zamboanga sa Pebrero 15, 2020; at University of Baguio sa Marso 13, 2020. Ngayong Disyembre ay sisimulan na nila ang kanilang free concerts sa Kansilayan Stadium, Silay City, Negros sa Disyembre 22, 2019 at sa Cuneta Astrodome, Manila sa Disyembre 28, 2019.
Ang “SB” ay nangangahulugang “Sound Break” at maging ng kanilang kompanya na ShowBT, at ang 19 naman ay ang pinag-add na number code ng Korea at Filipinas na +63 at +82 (6+3+8+2=19).
Hawak man ng Korean entertainment company, at nahahawig ang tuno at sayaw ng kanilang kanta sa Kpop pero sa-riling atin pa rin ang ipanapakilala nila sa mundo, ang Ppop music.
Comments are closed.