The Sexy Chef Rachel Alejandro

SINO ang hindi nakakakilala kay Rachel Alejandro, isang award-winning singer and actress, na nagmamay-ari at nagma-manage ng healthy diet-inspired catering service, ang The Sexy Chef.

Kasosyo niya dito ang kanyang equally sexy sister na Co-owner and VP for Product Development na si Chef Barni Alejandro-Rennebeck.

The Sexy Chef ang nangungunang diet and healthy food delivery service sa Kamaynilaan. Inumpisahan nila ito noon pang 2004 bilang diet food delivery service catering at ngayon ay 11 taon na ito bilang diet and health food provider.

Nagsimula raw ito talaga sa kusina ng kanilang lola, pero ngayon ay may team na sila highly qualified cooks, customer care specialists, marketing at finance department personnel na nagtutulong-tulong upang maabot ang kanilang misyon na makapagbigay ng masustansyang pagkain at easy weight management solutions para sa mga health at figure-conscious na kliyente.

Sa ngayon, hindi na lamang mga artista ang kanilang kliyente. Nagde-deliver na rin sila sa mga private and corporate event catering at healthy lunch and dinner meal packages sa affordable na presyo. NLV