(Text and photos ni MHAR BASCO)
MAITUTURING na “The Sleeping Giant Church” ang Church of God (COG) kung saan sa kasalukuyan ay awaken, alive and kicking. Isa sa organisadong men’s ministry na patunay na awaken at kicking ang COG PH ay ang matagumpay at pinagpala ng Dios na nairaos ang M2M Men’s Conference MMR Region, Manila District sa Selah Pods Hotel sa F.B. Har-rison Street, Pasay City noong Hulyo 12-13, 2019.
Sa pangunguna ni Brother Oyeth R. Miranda bilang national president ng M2M ministry na may ilang buwan ding pina-ghandaan ng grupo para balangkasin ang pagdaraos ng isa sa network ng Church of God (COG) men’s ministry. Unang araw ng komperensiya ay sinimulan sa pagpaparehistro ng mga delegado bago ang coffee fellowship na ginanap ban-dang alas-8 ng umaga. Hindi naman matatawaran ang inihandang pananghalian kung saan pagkatapos ng lunch ay nag-praise and worship sa pangunguna ng COG Pasay Worship Team bago ang pastoral prayer naman ni Pastor Joey Ar-diente.
Sinundan ng opening ceremonies ni Bro. Francis ng COG Pasay bago ang welcome remarks ni Bishop Jerry Cruzem. Bandang alas-2 ng hapon ay nagsimula ang Symposium 1 M3 (Mastering Men’s Ministry) at Symposium 2 H3 (How to Organize Mens Ministry) sa pangunguna ni Brother Supa-chai A. Basit ng COG Dasmariñas City. Kakaibang talento ang ibinigay ng Dios kay Bro. Basit (Brother Bee) kung saan siya ang tagapagturo ng dance team ng COG Dasma. Si Bro. Bee (Phd) ay kasalukuyang vice president ng PAMET Cavite Chapter at Dean ng College of Medical Technology sa Emilio Aguinaldo College sa nasabing lungsod.
Naging bahagi rin ng programa ang open forum ng Symposium 1 and 2. Dumating sa puntos ng programa ang free time na may pagkakataong makapagpahinga at magkakilanlan ang mga delegado mula sa ibang COG. Samantala, ang inaabangang programa na hapunan (dinner) ay ginanap din sa session hall.
Sumunod ang praise and worship service sa pangunguna ng COG Pasay Worship Team bago ang Pastoral Prayer ni Pastor Henry Manejo. Bahagi rin ng programa ang session 1 ng Manila District Overseer na si Bishop Jerry Cruzem bilang speaker na may temang “Sharpening iron” (Prov. 27: 17). Walang naranasang pagkainip o boring ang mga dele-gado sa bawa’t programa dahil punong-puno ng aralin na mapakikinabangan ng buhay kalalakihang Kristiyano at kakai-bang estilo ng Men’s Ministry. Sinundan ng Kapihan, Tawanan, at Kantahan bago nag-lights off kung saan apat na delegado ang naka-assign sa isang room.
Gumagapang pa lamang ang sikat ng araw sa kalawakan ay nagsimula na ang morning devotion ng mga delegado bago breakfast time.
Bandang alas-7 ng umaga, nagsimula ang “Team Building” sa pangunguna ng Dasma Team kung saan hinati sa apat na grupo ang mga delegado. Binigyan ng kakaibang estilo ang laro na may kaugnayan sa pagkakaisa ng Men’s Minstry. Tumagal ng isang oras at kalahati ang team building na halos lahat ay hindi maputol ang kagalakan at tawanan bago muling nag-praise and worship service.
Sumunod na programa ang session 2 ni Bishop Carlito Navarro (Regional Overseer) bilang speaker sa temang “You’re the Man” (John 15: 16). Bago maghiwa-hiwalay ang mga delegado ay nag-photo ops ang bawa’t grupo bilang alaala sa 2019 Men’s Ministry Regional Conference.
Bilang gantimpala sa mga delegado ay buong lugod na isinahimpapawid ng grupo ni Brother Oyeth Miranda sa pama-magitan ng makabagong com-puter at video na maging “FB live” ang mga programa ng Men’s Ministry Regional Con-ference na natunghayan ng publiko.
Hindi madaling mag-organisa ng men’s ministry sa isang church kapag baguhan ang mga namumuno subalit kakaiba ang talentong ibinigay sa grupo ni Brother Oyeth Miranda. May talento sa musika, husay sa pag-awit, paggamit ng mga modernong camera, video, computer, musical instrument at iba pa. Kapag malakas ang hatak ng men’s ministry, ipinapakilala lamang ang kalakasan ng isang church at pamilya ng isang tatay na puspos ng pagpapala ng Dios. Kina-kailangan sa isang nangunguna sa men’s ministry ay may pangitaing maglingkod at pusong masunurin, ayon sa katuwiran ng Dios.
Base sa kasaysayan ng COG PH, sa loob ng anim na taong pagkakahalintulad sa “sleeping giant church” ang Church of God Philippines ay naging awake, alive and kicking noong 2012 dahil sa pagpapala ng Dios ay aabot sa 686 churches ang sumibol sa buong kapuluan. Noong 2008, nagsimula ang National Men’s Ministry sa pangunguna ng ilang ordinaryong tatay katulad ng kasaysayan ng disciples ni Jesus Christ na pawang mangingisda.
Subalit hindi akalain ng mga ordinaryong tatay na gagamitin sila ng Dios na mag-organisa ng men’s ministry sa kanilang church. Noong Abril 2009, dumalo ang mga ordinaryong tatay sa Church of God’s 10th National Assembly sa Davao. Karamihan sa delegado ay mga pastor at lider mula sa iba’t ibang sangay ng COG PH. Kabilang sa mga programa ng Na-tional Assembly ay walang pinagkaiba sa local men’s ministry na pinangunahan ng mga ordinaryong tatay.
Itinakda na ng Dios sa mga ordinaryong tatay na pangunahan ang national men’s ministry dahil nang nagsimula ang election ng National Assembly, lumabas na landslide victory bilang president ang ordinaryong tatay sa katauhan ni Brother Oyeth Miranda ng COG-Dasmariñas.
Hindi tinugon ng Dios ang panalangin ng isang pastor na huwag manalo si Bro. Oyeth kung saan nakapaloob sa pana-langin na ang kalalakihan sa COG-Dasmariñas at ibang sangay ng COG ay kontento na sa local men’s ministry at hindi na kailangan pa ma-involve sa national activities ng men’s ministry. Nanalo rin ang mga delegado na sina Monico “Butch Simon, Zoe Lazarito ng North Luzon; Edward Navarro, Romy Ocampo at Noli Falcutila ng Metro Manila; Deck Toring ng Visayas, at si Melecio Zuniga ng Mindanao. Lumipas ang ilang taon ay tumatag ang National Men’s Ministry kung saan noong 2010 ay inilunsad sa Cavite ang 1st National Men’s Camp na dinaluhan ng 800 delegado mula sa buong kapuluan.
Pinaghahandaan na ng men’s ministry ang nakatakdang 2nd National Men’s Ministry Conference na gaganapin sa Baguio City sa Abril 29, 30 at Mayo 1, 2020. Sinasabing aabot sa 3,000 kalalakihan mula sa iba’t ibang Church of God Philip-pines ang lalahok.
Isama po natin sa panalangin ang nabanggit na okasyon na maging pagpapala sa mga ordinaryong tatay at sa kanilang pamilya.
Comments are closed.