‘THE TH3RD FLOOR’ GYM NI GERALD ANDERSON, TAMBAYAN NG ARTISTA

Isa si Gerald Anderson sa pinaka-popular na lalaking artista sa ngayon na nagpasyang gawing negosyo ang kanyang private gym sa third floor ng kanyang sariling bahay. Tinawag niya itong “The Th3rd Floor.” At ang cool perk–unlimited star-sighting, at siguro, isang session sa gym owner – si Gerald mismo.

May gym sa Roces Avenue na nagiging paboritong hangout ng mga celebrities – ang The Th3rd Floor. Nakita kamakailan doon si Bea Alonzo at Kathryn Bernardo, kasama ang kanilang fitness trainer na si Kat Geronimo-Garcia. Kasama rin ng dalawang aktres si Ria Atayde. Bahagi raw ang gym ng kanilang “girls’ night out.”

Noong March 4, 2019 binuksan ang nasabing gym kung saan kasama ang celebrity basketball match na nag-feature kina Rayver Cruz, Donny Pa­ngilinan, Young JV, Joe Vargas, Axel Torres, at Marco Gumabao.

Extention ito ng bahay ni Gerald na ang media launch nito noong March 1. Na­ging media hype ito dahil kasama sa gym visit ang home visit ng Kapamilya leading man. Sa third floor niya kadalasang inuubos ang kanyang mga libreng oras kapag bored na bored na siya sa magulong buhay sa showbiz.

“Halos buong career ko, sa bahay ako nagwo-workout, sa third floor ng bahay ko. So nag-iisip ako ng name na parang, ‘Anong itatawag natin sa gym?’ ani Gerald. “E, gusto ko, yung gym na i-o-offer namin sa tao, gusto ko yung sobrang personal sa akin. Na kung saan ako nagbabawas ng stress, may place ako kung saan ko pinaplano yung goals ko. Yung mga gusto kong gawin for the year or yung mga gusto kong marating.”

“Sanctuary” at “get­away” niya ang third-floor gym kung may problema siya. Sa halip na maki-party o makipag-inuman, magpapapawis na lamang siya.

“Pag pumasok ka sa bahay ko, minsan, kung hahanapin niyo ako, sasabihin lang ng mga tao iyo, ‘Nasa third floor siya,’ ganun. Kasi, kumbaga dun yung ano ko, e, kumbaga dun yung recovery time ko, mag-workout, makapag-isip nang ma­ayos, ayun, kaya siya third floor. Kung mga controversy ako…dun ako pumupunta para makapag-isip, ‘Ano na naman ito? Honestly, totoo yun, dun ako nakakapag-isip.”

Dalawang oras, dalawang beses sa isang araw o kung minsan ay tatlong beses pa, kung mag-workout si Gerald, depende kung gaano siya ka-stressed out.

Kung may taping naman, tumatakas umano siya sa lunch break para  mag-workout sa bahay kung malapit lang ang location. Nare-relieve daw siya kaya gusto niyang i-share sa iba ang naging lifestyle niya.

“Kung ano yung tumulong sa akin para kahit papa’no marating ko yung narating ko ngayon, dahil sa third floor ng bahay,” dagdag pa niya.

Para sa mga malalapit na kaibigan ni Gerald, paborito na nilang tambayan ang third floor, kung saan pwede silang magpakatotoo, and at the same time, nakapagbabawas pa ng timbang.

Maging si Pinoy Big Brother alumnus Joe Vargas na dating 300 lbs. ang timbang noong 2010 ay naging tama lang ngayon ang timbang matapos tumambay sa Th3rd Floor. At salamat daw ito sa pag-eng­ganyo sa kanya ni Gerald.

“Inaakyat niya ako sa machine niya pag hindi ko kayang buhatin yung sarili ko,” ani Vargas. At ang reward matapos ang na-pakahirap na workout, “Kakain ako sa kitchen niya.”

Nagbiro naman si Gerald, “Ubos ang grocery ko sa bahay,” ngunit mukhang wala naman ito sa kanya. Aniya, “Kaya ko rin dito na ginawa yung gym. Pagkatapos ng workout, sa kusina na, nagbubukas ng ref. So ayun, meron din naman kaming maliit na kusina diyan, maliit lang.”

Naging tambayan na nga raw ang Th3rd Floor, lalo na ang dalawang trainers. Halos 12 years na raw nila itong ginagamit.

Dahil halos lahat naman ay mga kakilala niya ang pumupunta sa gym, mura lang ang si­ngil niya. May promo silang PHP2,500 per month at PHP6,000 naman sa tatlong buwan. Kung aabutin ng six months, PHP9,000 at kung isang buong taon, PHP12,500. Walang membership fee, at meron pang 15 days na free training. Kung isang taon naman ang kontrata, dalawang buwan ang free training.

Naisip daw noong una ni Gerald na mataas ang presyo dahil hindi nga intended for business ang gym niya, pero nalaman niyang mura pala ito kumpara sa iba. Natupad ang pangarap niyang makapag-enjoy at makatulong sa mga friends niya.

Si Joe raw ang nagpresyo sa training dahil alam nito ang kalakaran. “Hindi naman pwedeng maging charity yung gym niya,” ani Leo. “Besides, libre tsibug pa, may katsikahan ka pang friend pagkatapos ng training.

Kasama umano sa cool perks ng pagji-gym sa The Th3rd floor at ang unlimited star-sighting, at ang session kasama ang gym owner na si Gerald.

Aniya, “Pagpasok ng tao dito, pantay-pantay tayo. Walang artista, walang celebrity. “Walang celebrity-athlete, wala. Kung sino ka man, pantay-pantay tayo dito.”– NV

 

6 thoughts on “‘THE TH3RD FLOOR’ GYM NI GERALD ANDERSON, TAMBAYAN NG ARTISTA”

  1. Your writing is perfect and complete. casino online However, I think it will be more wonderful if your post includes additional topics that I am thinking of. I have a lot of posts on my site similar to your topic. Would you like to visit once?

Comments are closed.