TAPOS na ang pinakamahirap na sitwasyon para sa pandemichit Philippine economy, at inaasahan ang malaking pagbangon nito ngayon taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“The worst is behind us. The recovery phase has begun,” pahayag ni BSP Governor Benjamin Diokno sa Reuters Next conference, tinukoy ang ‘green shoots’ tulad ng pagbuti sa remittances at foreign direct investments (FDI).
Patuloy na tumataas ang remittances mula sa overseas Filipinos sa kabila ng mga epekto ng COVID-19 pandemic sa mga bansa kung saan nagtatrabaho ang mga Pinoy.
“The country meanwhile booked FDI net inflows amounting to $423 million in October last year, albeit 24.5 percent lower than the $561 million net inflows recorded in the same month in 2019,” ayon sa BSP.
Ang ekonomiya ng Filipinas ay bumagsak ng 11.5 percent sa third quarter ng 2020, makaraang bumaba ng 16.9 percent sa second quarter at ng 0.7 percent sa first quarter.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ay sinabi ng mga economic manager na inaasahan nilang bababa ang gross domestic product ng hanggang 9.5 percent para sa buong 2020.
Subalit sinabi rin nilang babawi ang GDP growth sa 6.5 hanggang 7.5 percent sa 2021 at sa 8 hanggang 10 percent sa 2022.
Comments are closed.