THE ZEN CORNER

Stress na stress ka dahil sa ‘yong busy work schedule. Paano mo sosolusyunan ito? Ano kaya kung gumawa ka ng sarili mong zen corner sa opisina mo, complete with a comfor­table chair, soft lighting, at mga paborito mong indoor plants. Pag may halaman kasi, naiiba ang space — nagiging tahimik at kalmado. Ito yung tinatawag na zen corner. Yung lugar kung saan pwede kang mag-recharge (kumbaga sa cellphone) at tumutulong din para maka-refocus ka sa iyong ginagawa, dahil may bago ka nang energising pwedeng gamitin. At ilang minute lamang ang kailangan mo para gawin ito.

Hindi naman kaila­ngang gumawa ng isang botanical garden o green oasis. Parang isang maliit na fortress lang ang kailangan,  upang pa­nandaliang makawala sa boring at uninspiring na workspace. Konting indoor plants lang na lalapatan mo ng design. Ang presence kasi ng halaman, nakakapagpasaya sa ating kalooban ng hindi natin namamalayan. Mas productive at collaborative daw ang tao kapag maraming halaman ang environment.

Hindi ganoon kada­ling lumikha ng Botanical Boutique, lalo pa at gagamitin mo ito sa negosyo. Kailangan ka­sing  mayroong space sa iyong lugar, na nagpapakita ng values, kung anumang brand ang ibi­nibenta mo, kaya hahanap ka ng mga tamang indoor plants para sa design, para sa touch of natural beauty.

Versatile at talaga namang may dating ang indoor plant decoration. Basta may halaman, naiiba ang ambiance and functionality ng interiors ng opisina o bahay, o kahit pa  commercial places. Kaya nga siguro lahat ng Ayala Malls, may sariling zen garden bawat floor.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kapangyarihan ang indoor plants na pagaanin at kalmahon ang kalooban ng tao. Sa tamang pagpili at pag-aayos ng mga halaman, nakalilikha tayo ng lugar (maliit man o malaki) na hindi lamang maganda sa p­ningin kundi  maganda rin sa kalusugan at kapayapaan ng kaluluwa.

Sa bawat interior de­sign na gagawin, dapat laging ikonsidera ang indoor plants.  Alam naman nating basta may halaman sa loob ng bahay o opisina maganda rin ang  indoor air qua­lity. Hinihigop kasi ng halaman ang carbon dioxide at naglalabas naman sila ng oxygen sa proseso ng photosynthesis, kaya lumilinis ang hangin at nagiging mas healthy ang environment. Kilala ang spider plants at peace lily sa kanilang air-purifying properties at pwede silang ilagay kahit saan.

Pwede ring maglagay ng malalaking halaman, why not? Pwede itong maging focal point sa isang silid, dahil nakapupukaw din ito ng visual interest.

Mahandang ilagay ang indoor plants sa mga sulok, bintana at pintuan. Halimbawa ba lang, mga trailing vines o mga halamang pabagsak lumago — mas invi­ting sila at nakapagbibigay ng organic feel.

Mahalaga ang Sense of Calm, at ang indoorplants ay may calming effect sa ating mental at emotional well-being.

Ayon sa pag-aaral, nakakabawas ng stress ang halaman, bukod pa sa nakaka-relax ng katawan at isipan. Ang silid na maraming halaman at nakalilikha ng serene and tranquil atmosphere, na ideal para sa relaxation at unwinding — hindi mo na kailangang pumunta sa bar. Sa madaling sabi, napakahalaga talaga ng indoor plants sa interior design, dahil hindi lamang sila decoration kundi suporta rin sa ating kalusugan, well-being, at functionality.

Kung walang halaman, malamang, wala rin tayo.

Nenet Villafania