THEA TOLENTINO NAG-EVOLVE NA SA IBA’T IBANG ROLES; SASABAK NAMAN SA AKSIYON

THEA TOLENTINO-5

THANKFUL si Kapuso actress Thea Tolentino, na produkto ng Protegee talent search in 2012, dahil showbiz eyesimula nang gumawa siya ng mga teleserye sa GMA Network, nag-evolve sa iba’t ibang roles ang ginagampanan niya.

Nagsimulang bida at pinapaiyak si Thea sa mga soaps na ginagawa niya, then naging bida-kontrabida, until naging totohanan na siyang kontrabida, the last niyang ginawa ay ang “Asawa Ko, Karibal Ko,” na natapos noong October, 2018, na todong sama ng character niya to the point na kinaya na niyang pumatay ng tao.

“Kaya po natuwa ako nang ipatawag ako for a story conference na iba naman ang mga kasama ko sa cast, nagulat ako dahil mga action stars ang makakasama ko, at kami ni Gabbi Garcia naman ang magkasama,” sabi ni Thea.  “Isang aksyon-serye pala ang gagawin namin.  Na-excite ako dahil first time akong mag-aaksyon.  At iyon nga sinabi na ni Direk Toto Natividad na kailangan naming mag-workshop at mag-training para sa aming roles.  Ikinuwento niya ang story at ang mga roles na gagampanan namin, pero bawal pa pong ipaalam.  Makakasama ko for the first time si Sir Eddie Garcia, Roi Vinzon, Ms. Celia Rodriguez, Tita Luz Valdez, Kristoffer Martin, Gil Cuerva at si Jeric Gonzales, saka kami nga ni Gabbi.”

Kung si Gabbi ay nag-training ng Krav Maga, si Thea naman ay kumuha ng Kali Training na FIST Boxing Muay Thai Mixed Martial Arts.

“Mahirap po at na­ngangapa pa ako sa si­mula, pero tuwing  magti-training ako, natututo na ako at ngayon nakasasabay na ako sa sparring.  Thank you coach Thirdy, coach Norman & @fist_gymn.”

Sa interview kay Thea, idinagdag niya na malaki ang naitulong sa kanya ng pagti-training, nakakalinaw daw ng isip.  Kailangan mo raw kasing matutunan ang mga itinuturo sa iyo, linawin ang isip niya para hindi siya masaktan sa training kung hindi siya makasusunod sa mga instructions sa kanya.

Ang untitled teleserye ay mapanonood na sa GMA 7 sa July.

LEGASPI TWINS MAVY AT CASSY GRADUATE NA NG HIGH SCHOOL

LEGASPI TWINSTULAD nang promise nina Mavy at Cassy Le­gaspi, ang kambal na anak ng mag-asawang Zoren Le­gaspi at Carmina Villarroel, hindi nila pababayaan ang studies nila, kahit mag-artista sila.  Last year pinayagan na nila ang kambal na pasukin na rin ang showbiz.  Para hindi naman mahirapan ang kambal, hindi muna sila pinayagang bigyan ng teleserye, okey lamang ang once a week show, na light lamang ang tema.  Kaya nga regular silang napapanood every Saturday morning sa “Sarap Di Ba?” at every Sunday, sa musical show na “Studio 7 Musikalye.”

Ngayon ay proud parents sina Zoren at Carmina dahil nag-graduate na ng Senior High School sina Mavy at Cassy, in flying colors.  Si Cassy ay nakatanggap ng loyalty award habang si Mavy ay nakatanggap ng three me­dals for academic, sports and loyalty. Kumuha ng Accountancy, Business and Management ang kambal.

Busy rin gabi-gabi sa kanilang mga primetime serye si Carmina sa “Kara Mia” after ng “24 Oras” at si Zoren sa epic-seryeng “Sahaya” after ng “Kara Mia.”

Comments are closed.