THERAPIST NA PINAY KABILANG SA 17 NASAWI SA BUS CRASH

Bus Crash

UNITED ARAB EMIRATES – ISANG Pinay ang kabilang sa 17 nasawi nang bumangga ang isang pampasaherong bus.

Kinilala ang biktima na si Marie January Gallardo,  physical therapist sa Oman.

Lulan ang OFW ng bus papuntang Dubai sakay ang 30 katao nang bumangga ito sa sign board.

Ayon sa imbestigasyon, kinuha ng bus ang wrong lane at lagpas sa takdang bilis ang takbo nito kaya naman nasawi ang 17 pasahero kasama na si Gallardo.

Nangako ang Philippine Consulate sa Dubai na tutulong sila sa pagpapauwi sa labi ng OFW sa Filipinas. AIMEE ANOC

Comments are closed.