Acura, Cadillac, Hyundai, at marami pang iba. Mga bagong modelo ng kotse ngayong 2024 na posibleng magustuhan ng mga may pera – sana, all, LOL!
Welcome 2024, mabuti naman, dumating ka. Year of the dragon, taon din ng swerte. Siguro, suswertihin din tayong makabili ng bagong kotse. Maraming mapagpipiliang brands tulad ng SUVs at EVs at kahit pa sports cars, na ang brand ay Acura, Chevrolet, Mercedes-Benz, at marami pang iba. Lord, kahit man lamang sa pangarap, magkaroon tayo ng luxury cars. Heto at mamili na tayo
Acura TLX
Nagkakahalaga ng $45,245 o humigit-kumulang sa Php2.3 million, ang Acura ay masasabing very lightly updated na TLX sedan para sar 2024. Frameless grille at 19-inch wheel design. Higit sa lahat, may bagong pasok na teknolohiya na may additional features at A-Spec option with na alll-wheel drive pero walang ekstrang gastos. Lahat ng versions ng 2024 TLX ay may updated AcuraWatch safety at driver-assistance suite.
16
There’s a new kid in town! Car pala. Ang BMW X2 2024 model na may bold design at napakaraming powertrain options – kasama na ang electric. Ang gas X2 ay may base turbocharged 2.0-liter engine na may 241 horsepower at 295 pound-feet ng torque, habang ang M35i model ay may 312 hp at 0 to 60 mph time bawat 5.2 seconds. Samantala, ang electric iX2 ay may 279 miles range (WLTP). Nagkakahalaga ito ng $42,995 o humigit-kumulang sa php2.2 million.
Chevrolet Blazer EV
The new Chevrolet Blazer EV isn’t without controversy. Still, the electric SUV has an 85.0-kilowatt-hour battery pack with 288 horsepower and 333 pound-feet of torque, or a 102.0-kWh battery with up to 340 hp. The maximum driving range is 320 miles, and if you wait for the SS model (which goes on sale later in 2024), you’ll be rewarded with 557 hp. In the meantime, the base Blazer EV starts at $56,745.
Honda Passport
TrailSport
May updated TrailSport trim ang Honda Passport 2024, na may revised suspension ukod pa sa tweaked spring rates, altered damper valve tuning, upgraded stabilizer bars, at General Grabber A/Tx all-terrain tires na nakabalot sa 18-inch wheels. Ang Passport TrailSport ay available sa magandang Diffused Sky Blue paint. Ang presyo ay mula sa $43,275 hanggang $49,345 o Php2.2-M hanggang Php2.5 million.
Honda Ridgeline
Pitong taon na ang second-generation Ridgeline ngayong 2024 at nakatanggap ito ng magagandang updates. Ini-update ng Honda ang cabin at nagdagdag pa ng bagong TrailSport trim na may unique damper tuning, 18-inch wheels, at all-terrain tires. Honda ang pinaka-capable na truck. Ang presyo ng Ridgeline ay $46,355 o aabot sa Php2.4 million. (To be continued). NLVN