THERESE MALVAR KAUNA-UNAHANG ARTISTA NA NAGING BEST SUPPORTING ACTRESS SA DALAWANG PELIKULA

THERESE MALVAR-2

NGAYONG Sabado, Nobyembre 3, ang debut ni multi-awarded Kapuso young star Therese Malvar na showbiz eyemagaganap sa Sequioa Hotel in Mother Ignacia, Quezon City, a gift from GMA Artist Center.  Actually, September 16 pa ang 18th birthday ni Therese kaya lamang naging busy ang schedule niya kaya kahit simple celebration hindi niya nagawa. Pero nang malaman ng GMA, sila na ang sumagot sa debut.  Celestial ang theme dahil si Therese na mahilig pala sa stars, at kahit ang kanyang gown na isusuot, siya ang nag-design na parang may clouds sa laylayan.  At ang kanyang ni-request na escort, ang happy crush niyang si David Licauco na katulad niya ay Kapuso rin, na tinupad din ng GMAAC.

Kababalik lamang ni Therese from attending the 2018 Tokyo Internatioanal Film Festival na ni-represent niya ang movie niyang “Distance” kasama niya sina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan. May trivia kami kay Therese, alam ba ninyong siya   ang kauna-unahang actress in  Philippine cinema na nagkamit ng best supporting actress award sa dalawang pelikulang ginawa niya at entry sa Cinemalaya Film Festival last August.

Yes, dalawang movies, ang “Distance” at “School Service” ay parehong pumasok sa festival at tie ang nakuha niyang award, kinalaban niya ang sarili niya.  Wala raw itulak-kabigin  sa acting ni Therese, kaya pinanalo nila ng award sa dalawang pelikula.

“I feel humbled and thankful po,” sabi ni Therese. “Pero ito pong “Distance” sa 2018 TIFF hindi po kasali sa competition, dahil ipinasok ito sa Asian Future Section, pero sa November 2, pa po ang awards night.”

Actually, itinuring ni Therese na early birthday gift ang pagpunta niya sa Tokyo dahil first time niya iyon at sinamahan daw siya nina Direk Jun at Direk Perci na mamasyal sa magagandang lugar dahil four days siya roon. Pero may isa pang  advanced birthday gift na natanggap si Therese, dahil magsisimula na silang mag-taping ng isang heart-warming drama, ang “Inagaw Na Bituin” na magtatampok sa kanila ni Kyline Alcantara at isang powerhouse cast na kinabibilangan nina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Renz Valerio, sa GMA Afternoon Prime, sa direksyon ni Mark Reyes.

BING LOYZAGA HINAYAANG MA-RAPE SINA SUNSHINE AT BEA

BING-SUNSHINE-BEAFINALE episode na ngayong Friday nang sinubaybayang morning teleserye na “Kapag Nahati Ang Puso” na nagtampok kina Sunshine Cruz, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, Benjamin Alves, David Licauco and Bea Binene. Magtatapos ito sa mataas na rating dahil talaga namang kapana-panabik ang bawat eksena lalo na nang magsimula ang final week noong Lunes, na pinahihirapan na ni Bing si Bea at si Sunshine, pumayag siyang puntahan mag-isa ang anak na si Claire. Hindi naman alam ni Zoren kung saan pupun-tahan ang kanyang mag-ina na sinimulan na ni Bing na saktan.

Dumating pa sa point si Bing na sinugatan na ang magandang mukha ni Sunshine at pumayag siyang ma-rape ng mga tao niya ang mag-ina.  Mabubuo pa ba ang pamilya ni Zoren?

Ang final episode mapanonood bago ang “Eat Bulaga.”

Comments are closed.