OPISYAL na idineklara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consortium bilang bagong major player sa telecom industry, 12 araw makaraang isagawa ang bidding.
Sa resolution nito na may petsang Nobyembre 19, idineklara ng NTC ang Mislatel Consortium bilang third player.
“Mindanao Islamatic Telephone Company Inc. with Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings Corp., and China Telecommunications Corp. (is declared) as the New Major Player,” ayon sa NTC.
Nangako ang Mislatel na magkakaloob ng 27 mbps sa unang taon nito at 55 mbps sa ikalawang taon, upang maghatid ng internet speed na halos katulad sa Singapore.
“The consortium stands to lose P24 billion and the allocated frequencies if it fails to fulfill its commitments,” wika ni Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Eliseo Rio.
Ang resolution ay nilagdaan nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles, at Oversight Committee chair Rio.
“The Mislatel Group as the NMP has a period of 90 days from the date hereof, to submit to the NTC the documents and performance security as required…” pahayag ng NTC.
Ang Mislatel ang nag-iisang qualified bidder at tanging third telco aspirant na nakapagsumite ng kompletong requirements.
Ang Sear Telecom—ang consortium ng TierOne Communications International at ng Chavit Singson-led LCS Group of Companies— ay na-disqualify sa pagkabigong magkaroon ng P700-million Participation Security.
Diniskuwalipika rin ng NTC ang Philippine Telegraph & Telephone Corp. (PT&T) sa hindi pagsusumite ng Certificate of Technical Capability.
Comments are closed.