THIRDY GIGIL NANG MAGLARO SA JAPAN B-LEAGUE

Thirdy Ravena

NAKAHANDA si Thirdy Ravena na tulungan ang kanyang koponan na uma­ngat sa Japan Basketball League.

Minabuti ni Ravena na talikuran ang PBA Rookie Draft matapos ang kanyang matagum­pay na collegiate career sa Ateneo de Manila University, at sa halip ay itinuloy ang mga oportunidad sa ibang bansa.

Nagpasiya siyang maglaro sa professional basketball sa Japan, kung saan pumirma siya sa San-En NeoPhoenix bilang Asian import.

Isa itong hindi pangkaraniwang sitwasyon para kay Ravena, na nagtapos bilang three-time UAAP champion sa Blue Eagles. Ang NeoPhoenix ay nasa ilalim ng standing sa B-League noong nakaraang season na may 5-36 kartada.

“Yeah, alam ko na ‘yung standing wasn’t really the best,” wika ni Ravena. “But when you look at it, puwede rin siyang maging positive, kasi walang expectation.”

“There’s only room for a lot of improvement,” dagdag pa niya. “It’s one of the reasons why I chose NeoPhoenix.”

Determinado si Ravena na tulungan ang NeoPhoenix bagama’t aminado siyang magiging mabigat na hamon ito para sa kanya.

“I want to help them out and have them (get) a better record next season,” aniya sa his introductory press conference. “I just can’t wait to play.”

4 thoughts on “THIRDY GIGIL NANG MAGLARO SA JAPAN B-LEAGUE”

  1. 360485 214263Hello! I could have sworn Ive been to this site before but following browsing by way of some with the post I realized it is new to me. Nonetheless, Im undoubtedly pleased I found it and Ill be book-marking and checking back regularly! 859747

Comments are closed.