THIRDY MAGPAPASIKLAB SA JAPAN B. LEAGUE

Thirdy Ravena

SASABAK si Thirdy Ravena ng Ateneo de Manila University  sa Japan bilang Asian import sa Japan Professional Basketball League (B.League).

Inanunsiyo ng B.League ang pagla­laro ni Ravena sa isang statement kahapon sa pagsasabing, “The Japan Professional Basketball League announced today that the SAN-EN NEOPHOENIX signed the shooting guard Thirdy Ravena from the Philippines for the 2020-21 season based on ‘ASIAN PLAYER QUOTAS’.”

“Asian Player Quotas is a new competition system [to be] implemented for the 2020-21 season to enhance competitive abilities by matching with various Asian players in daily games and to expand business in the Asian market,” pahayag ng B.League.

Bago ang Japan stint, si Ravena ay bahagi ng tatlong sunod na kampeonato ng Ateneo at itinanghal na University Athletic Association of the Philippines’ Finals Most Valuable Player mula Season 80 hanggang 82.

Si Ravena ang magi­ging unang Asian player na kukunin sa B.League bilang bahagi ng kanilang Asian player quotas, kung saan maglalaro siya para sa San-En Neophoenix team.

Pinangungunahan ni dating  Japanese national team members Atsuya Ota, Takanobu Nishikawa, at Hisashi Da Silva, ang  NeoPhoenix, na nakabase sa lungsod ng Toyohashi sa Aichi Prefecture, ay magtatangkang bumawi mula sa league-worst 5-36 record noong nakaraan.

Si Ravena ay pormal na ipakikilala bilang pinakabagong recruit ng San-En sa Biyernes.

Comments are closed.