THIRDY MAY INJURY, ‘OUT’ MUNA SA B. LEAGUE

NAGTAMO si Thirdy Ravena ng injury sa kanyang kanang kamay sa pagkatalo ng San-En NeoPhoenix sa Sun Rockers Shibuya noong Sabado, ayon sa koponan.

Si Ravena, ang Asian import ng koponan, ay na-diagnose na may oblique fracture sa fourth finger ng kanyang kanang kamay. Natamo ng dating Ateneo star ang injury sa third quarter ng kanilang laro habang nagda-dive para sa loose ball.

“We will undergo a detailed examination and provide appropriate treatment and rehabilitation (for Ravena),” pahayag ng koponan.

Hindi pa masabi ng NeoPhoenix kung kailan makababalk sa aksiyon ang Pinoy.

“We will inform you as soon as the result of the detailed inspection is known,” ayon sa koponan.

Nalasap ng San-En ang 81-80 kabiguan sa Shibuya makaraang burahin ng home team ang 11-point deficit sa huling dalawang minuto ng laro.

Gumawa si Ravena ng 6 points at 4 rebounds sa loob lamang ng 18 minuto. Hindi na siya bumalik makaraang ilabas sa third quarter dahil sa kanyang injury.

Ito ang ikalawang pagkakataon na hindi makapaglalaro si Ravena para sa kanyang B.League team. Ang una ay nang tamaan siya ng COVID-19 noong nakaraang taon.

Comments are closed.