NALASAP ni Thirdy Ravena at ng San-En NeoPhoenix ang tambak na pagkatalo sa mga kamay ng Akita Northern Happinets, 85-53, kahapon sa 2020-21 B.League.
Makaraang maghabol ng tatlong puntos lamang, 22-19, sa pagtatapos ng opening frame, nanlamug ang opensa ng NeoPhoenix sa second quarter.
Na-outscore ng Akita ang mga bisita, 20-6, sa pivotal second frame, kung saan nakontrol nito ang laro at hindi na binitiwan ang kalamangan.
Hindi na nakarekober ang NeoPhoenix at nalasap ang pinakamasamang pagkatalo na kasama si Ravena sa line-up.
Ang dating Ateneo star ay gumawa lamang ng 5 points, 5 assists, 4 rebounds at 1 steal sa 27 minutong paglalaro para sa San-En, na bumuslo lamang ng 33 percent mula sa field tungo sa ikatlong sunod na kabiguan.
Bumagsak ang NeoPhoenix sa 5-20 sa season.
Nanguna si Stevan Jelovac para sa San-En na may 17 markers, 7 rebounds, at 2 assists.
Pinangunahan ni Noboru Hasegawa ang atake ng Akita na may 16 points, kabilang ang apat na triples, habang nag-ambag si Alex Davis ng 12 points at 4 blocks.
Comments are closed.