HINDI na kasama si San-En Filipino rookie Thirdy Ravena sa B.League All-Star Game tulad ng inanunsiyo ng liga noong Miyerkoles ng gabi.
Pinalitan siya ni Mikawa’s Takuya Kawamura, na nasa kanyang ika-4 na All-Star appearance sa B.League.
Si Ravena ay nagtamo ng injury sa kanang kamay sa third quarter ng laro ng San-En sa Shibuya sa Japan noong Sabado ng gabi.
Ibinunyag ng NeoPhoenix noong Linggo na nabali ang ring finger ng Pinoy kaya hindi ito nakapaglaro sa kanilang rematch ng Sun Rockers, na naunang namayani sa 41-point blowout.
Si Ravena ay matagumpay na sumailalim sa operasyon sa kanyang baling daliri kahapon.
Ang broken finger ay kadalasang gumagaling sa loob ng dalawang buwan.
“It is still not possible [for him] to return to the competition from [his] right fourth finger metacarpal oblique fracture that was announced by the club on Jan. 3 until the day of the All-Star [Game],” pahayag ng B.League sa isang statement.
Tanggal na rin si Ravena sa Slam Dunk Contest, subalit wala pang binanggit na kapalit niya.
Ang B.League All-Star Weekend ay nakatakda sa Jan. 15-16 sa Mito, Japan.
Comments are closed.