NATULOY rin ang paglalaro ni Thirdy Ravena sa Japan Basketball League. Ibig sabihin nito ay hindi talaga siya sasama sa 2020 PBA annual draft dahil mas pinili niya ang pumirma ng kontrata sa team ng Sun en- Neophoenix. Ang Japan league ay may 40 playing games per season mula 2020 hanggang 2021.
Sabagay, nang makausap namin ang 2019 UAAP MVP ay sinabi niyang plano niyang maglaro sa Japan at maging import nito. Sa unang pagkakataon ay magkakaroon ng Pinoy import sa Japan. Knowing naman ang kalibre ni Thirdy Ravena, mahusay kaya pinag-aagawan siya ng iba’t ibang bansa, isa na rin dito ang Austria pero mas pinili niya ang Japan.
Tsika namin, marami na ang nag-aabang kay Ravena sa Japan, lalo na ang mga kababayan natin. Kilala ang mga Ravena pagdating sa basketball. Sa paglalaro ni Thirdy sa koponan ng Sun enneophoenix ay darami ang kanilang audience dahil sa mga Pinoy.
Kaya huwag nang asahan ng PBA fans ang paglalaro niya sa professional league at malabong magkasama sila ng kapatid na si Kiefer sa isang team dahil buo na sa puso’t isipan ng batang Ravena ang paglalaro sa Japan.. Hintayin na lamang natin pagkatapos ng liga sa Japan.
o0o
Ibang-iba na umano ang Greg Slaughter na mapapanood natin sa PBA sakaling bumalik siya sa bansa. Matindi ang pagsasanay ni Gregzilla sa Estados Unidos kung saan pansamantalang nagbakayon ang Fil-Am player. Nagliwanag na rin ang isipan ni Slaughter na maglalaro siya sa PBA kahit sa ibang team pa siya mapunta. Tsika nga namin na posibleng mapunta ito sa Magnolia Hotshots.
Dibdiban ang pagsasanay ni Greg tulad ng behind the back na hindi nakikita sa player mula nang maglaro siya sa PBA even noong nasa amatuer league siya. Para lalong magulat ang mga supporter ni Slaughter, ganado na rin niyang ginagawa ang “drive to the basket” na galing sa perimeter shot. Nasanay ang fans ng ginebra na more on lowpost ang gawa nito at nag-aabang na lang si Greg sa pasa ng kanyang mga kasama. Dini-develop ng player ang ibang skills para sa kanyang pag-level up. Dapat sa kanyang height na 7 foot ay mabilis siyang kumilos na ala-June Mar Fajardo. Good luck!
o0o
Nailibing na rin noong Wednesday ang kaibigan naming si coach Bro Junel Mendiola. Ilang araw rin naman siyang ibinuro sa St. Peter along Commonwealth. Hindi nakalimot ang mga kaibigan, dating teammate ni Junel na makiramay sa naiwan niyang pamilya. Grabe, ramdam namin ang nararamdaman ni Mrs.Shiela Mendiola na hindi umaalis sa tabi ng kabaong ng asawa. Para umanong isang masamang panaginip ang nangyari sa dating player ng Purefoods TJ Juicy Hotdog at former player ng PSBA. Parang ang hirap umano na bumangon dahil nasanay si Mrs Mendiola na laging nasa tabi ang asawang ex-PBA player at coach. Kada may taping o shooting ang actress na kilala sa kanyang screen name na Shiela Marie Rodriguez ay naroon si coach Junel.
Muli ay nagpapasalamat si Mrs. Mendiola at ang kanyang family sa mga tumulong sa kanila tulad ng PBA, KUME Willie Marcial, SMC, SMC director Francis Chua, MVP group, Mr. Ricky Vargas, coach Ryan Gregorio, Rene Suba (best friend and former teammate ni Junel), mga teammate at sa mga nag-write up sa kanya, friends at etc. Muli po, condolence kay Mrs Mendiola at sa daughter nito, laban lang siguradong nandiyan lang si coach Junel, ‘di niya kayo pababayaan. GOD BLESS!
Comments are closed.